Batang BreadWinner, Dalawa ang Trabaho para makatulong sa Magulang na may Sakit


Isang batang BreadWinner ang doble-kayod para lang maipagamot ang mga magulang na may sakit at para sa kanilang pangkain sa pang-araw-araw.

Hinangaan ang batang si Manny na dahil sa kanyang sipag sa pagtatrabaho para suportahan ang pangangailangan ng kanyang mga magulang.

"Makita ko lang na masaya ang mga magulang ko, masaya na ako."- saad ng bata.


Todo kayod si Manny dahil walang ibang maghahanapbuhay sa kanila dahil baldado ang kanyang ama at may Tuberculosis naman ang kanya ina, kaya sa murang edad nito ay natuto na syang magbanat ng buto.

Para matustusang ni Manny ang kanilang gastusin ay nagtitinda ito sa umaga ng mga walis, Sponge, tabo at iba pang gamit sa bahay. Sa gabi naman ay naglalako naman sya ng balot.

Kahit may Pandemya ay matyagang naghahanapbuhay ang bata dahil ito lang ang alam niyang paraan para matulunan ang mga magulang.
Ito ang Post sa Page ng GMA Public Affairs,

"BATANG BREADWINNER, DOBLE-KAYOD PARA MAIPAGAMOT ANG MGA MAGULANG AT BUHAYIN ANG PAMILYA

"Makita ko lang na masaya ang mga magulang ko, masaya na ako."

Baldado ang ama at may Tuberculosis naman ang ina ni Manny. Kaya naman, sa murang edad siya na lang ang inaasahan ng kanilang pamilya.

Hindi naman niya alintana ang magbanat ng buto pero mas naging mahirap ang kanilang kalagayan nang pumutok ang pandemya. Kinailangan niya tuloy isantabi ang paglalaro para matustusan ang kanilang mga pangangailangan.

Tuwing umaga matiyagang binabaybay ni Manny ang mga baranggay sa North Caloocan para magtinda ng walis, sponge at iba pang gamit sa bahay. Pagdating naman ng hapon hanggang gabi, nag-iikot muli si Manny para naman maglako ng balut. Ito lang kasi ang nakikita niyang paraan para buhayin ang kanyang pamilya. | Wish Ko Lang"








Source: GMA
Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments