Isang doktor nailigtas ang buhay ng isang sanggol na nangingitim na at hindi na humihinga sa pamamagitan ng pag-CPR nito na talaga namang labis na ipinagpasalamat ng mga magulang ng bata!





Maraming nagsasabi, lalo na ang mga matatanda na ang isang paa ng mga kababaihang nanganganak ay nasa lupa na sa tuwing magsisilang sila. Mayroong ilang pangyayari kung saan hindi na nakakayanan pa ang ina ang panganganak kung kaya naman binabawian na ito kaagad ng buhay bago pa man isilang ang kaniyang sanggol o pagkatapos nitong manganak.



Ilang mga pagkakataon din naman ay hindi na nabubuhay pa ang sanggol matapos itong mailabas ng kaniyang ina. Maraming dahilan kung bakit nangyayari ang mga bagay na ito ngunit hanggang maaari ay hindi natin ito nais maranasan kailan man.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang napakahusay na doktor na ito dahil sa ginawa niyang pagsalba sa sanggol na kakasilang pa lamang. Ika-27 araw ng Disyembre taong 2020 nang magsilang ng isang sanggol na babae ang 18 taong gulang na ina sa La Castellana, Negros Occidental.




Idedeklara na sanang walang buhay ang kawawang sanggol dahil sa hindi ito ito humihinga at talagang nangingitim na ngunit agad na lumabas ang doktor na si Dr. Enrico Elumba sa kaniyang opisina at nilapatan ng lunas ang sanggol. Inutusan din niya ang isa sa kaniyang mga staff na agad gawin ang CPR o Cardiopulmonary Resuscitation.




Halos 30 minuto rin sinikap ng doktor na maisalba ang buhay ng bata sa pamamagitan ng “mouth-to-mouth resuscitation” at hindi nga ito nabigo dahil nakaligtas ang sanggol! Ayon sa doktor, nahirapang manganak ang ina dahilan upang hindi makahinga ang kaniyang sanggol.




“Kasi 18 years old pa lang ‘yung nanay, parang pinipigilan niyang lumabas ‘yung bata kaya hindi na nakahinga. Makikita na sana ang baby dahil lumalabas na ang ulo niya,” Pagbabahagi ni Dr. Elumba sa balita ng “24 Oras” ng GMA network.




Walang pagsidlan ang kagalakan at labis na pasasalamat ng ina ng sanggol kung kaya naman pinangalanan niyang Enrica Paula ang kaniyang anak na mula sa pangalan ng doktor at isa pang staff na nagligtas sa buhay ng kaniyang sanggol.





Post a Comment

0 Comments