Isang engineer at tricycle driver, hindi alintana ang pagtutol at panghuhusga ng maraming tao sa kanila dahil makalipas ang 14 na taon ay ikakasal na sila!





PAG-IBIG. Simpleng salita lamang para sa iilan ngunit talagang napakabigat at maraming kahulugan para sa marami sa atin.

Hindi man magkakatulad ang karanasan nating lahat patungkol sa pagmamahal o pakikipagrelasyon, marahil ay batid nating lahat na ang tunay na pag-ibig ay mararamdaman natin sa tamang panahon, sa tamang pagkakataon at sa tamang tao. Kahit pa nga sa umpisa ay maraming mga pagsubok, mga suliranin at kabiguan ay malalampasan pa rin ito basta’t magkasama at magkatuwang ang dalawang taong nagmamahalan.




Hindi na bago sa atin ang magkaibang antas sa lipunan ng isang magkasintahan. Mayroong mga mayayaman at mga mahihirap na nagkakahulugan ng loob at nauuwi sa pag-iisang dibdib.




Mayroon din naman dalawang taong magkaibang-magkaiba ang kanilang propesyon ngunit hindi ito malaking usapin para sa kanila. Hindi kailan man naging hadlang ang kanilang mga trabaho o maging ang kanilang pinagtapusang kurso sa kanilang pagmamahalan.






Tulad na lamang ng magkasintahan na ito na minsan nang naitampok sa “The Budgetarian Bride”. Makikita sa mga larawan nilang magkasintahan ang kakaibang saya nila habang kinukuhanan sila ng mga larawan.




Isa kasing “engineer” ang babae habang “tricycle driver” naman ang kaniyang nobyo. Marami diumanong hadlang sa kanilang relasyon dahil sa hindi daw bagay ang isang engineer sa isang driver lamang.

Ngunit para sa kanilang dalawa ay kayang-kaya naman nilang pagtulungan na maabot ang kanilang mga pangarap sa buhay. Hindi naman daw kailangang maging isang engineer din ang kaniyang minamahal para lamang malaman niyang ito na talaga ang lalaki para sa kaniya.

Makalipas ang 14 na taon nilang relasyon, sa wakas ay ikakasal na rin sila. Nagsilbing inspirasyon ang dalawang taong ito upang ipaalala sa ating lahat na kung tunay kang nagmamahal ay hindi mo huhusgahan ang iyong katipan dahil lamang sa trabaho nito o maging sa salaping laman ng kaniyang pitaka.


Mas mahalaga pa rin talaga ang wagas ninyong pagmamahalan higit pa sa ano mang materyal na bagay dito sa mundo.





Post a Comment

0 Comments