Isang rider ang bumili ng pagkain para sa isang ligaw na aso, umani ng papuri mula sa publiko!





Marami nang mga mahihirap na pagsubok na nagdaan nitong nagdaang taon kung kaya naman talagang marami din sa atin ang hirap sa kanilang pamumuhay sa ngayon. Sa kabila ng ganitong kalagayan ay marami pa rin ang nagnanais na tumulong sa kanilang kapwa.

Photo credit: Jozel Anne Quiambao / Facebook



Ngunit hindi lamang sa kanilang kapwa tao kundi maging sa mga hayop na nangangailangan ng tulong sa kanilang paligid. Halimbawa na lamang ang isang rider na ito mula sa probinsiya ng Rizal.

Sa ibinahaging larawan ni Jozel Anne Quiambao ay makikita ang isang nakakabilib na rider na bumili sa kaniyang tindahan. Matapos niyang makabili ng burger at milk tea ay agad siyang nagtungo sa kaniyang motorsiklo ngunit agad siyang huminto nang makita ang payat at ligaw na aso sa tabing kalsada.




Photo credit: Jozel Anne Quiambao / Facebook




Bumalik siya kaagad sa tindahan upang doon ay bumili ng “siomai” ngunit nagbilin siyang huwag nang lagyan pa ng ano mang “condiments” ang kaniyang order dahil sa ibibigaya niya ito sa aso. Ikinagulat ni Jozel ang ginawang ito ng “JoyRide” rider kung kaya naman sinabi niyang libre na lamang ang kaniyang biniling pagkain dahil sa isa rin naman siyang “dog lover”.



Photo credit: Jozel Anne Quiambao / Facebook




Hindi batid ng matulunging rider na kinuhanan pala siya ng larawan ni Jozel na siyang ibinahagi nito sa social media. At nang ibahagi niya ito sa social media ay kaagad nga itong naging viral online.

Marami ring mga netizens ang napabilib sa kaniyang ginawa. Nang makausap ni Jozel ang rider ay nagulat siyang malaman na marami din daw siyang mga alagang aso sa kaniyang bahay kung kaya naman talagang napamahal na siya sa mga hayop.

Photo credit: Jozel Anne Quiambao / Facebook

Sa katunayan ay palagi siyang may dalang lalagyan ng pagkain na kaniyang ibinibigay sa mga hayop o asong gala na kaniyang nakikita sa lansangan. Tunay nga na hindi naman natin kailangang maging mayaman upang makatulong sa ating kapwa tao at maging sa mga hayop na ligaw sa lansangan.





Post a Comment

0 Comments