Mga masasayang alaala ng ating kabataan noong wala pang internet at gadget nagbalik sa alaala ng maraming Pilipino!





Marahil ay madalas na nating marinig ang mga katagang, “kung maaari lang bumalik sa pagkabata…” Tila ba mayroong panghihinayang ang mga salitang ito ngunit higit pa roon ay masasabi nating talagang nanabik lang tayong maranasan muli ang mga bagay na nagagawa natin noon.



Napakasarap sa pakiramdam ang bumalik sa pagkabata na wala kang ibang inaalala, wala ka ibang pinoproblema kundi ang mga maliliit at simpleng bagay lamang. Sa oras kasi na nasa wastong gulango edad ka na ay mas magiging mabigat na ang iyong responsibilidad.




Hindi lamang para sa iyong sarili kundi lalo’t higit para sa iyong sariling pamilya. Kamakailan lamang ay naitampok sa Facebook page na “Tom Sawyer Memes” ang mga larawan mula sa netizen na si “Malabanan Khuzpreign”.





Sa mga larawan na kaniyang ibinahagi ay makikita ang larawan ng ilang mga kabataang naglalaro sa kanilang “tree house”, maaaring mapanganib ito para sa maraming mga kabataan ngayon at talagang mag-aalala ang maraming mga magulang ngunit para sa mga kabataan noon ay talagang isa ito sa napakasayang laro na madalas nilang gawin kasama ang kanilang mga kaibigan. Ang pagpapadulas gamit ang ilang mga tuyong sanga ng puno ay talaga namang nagdadala rin ng kakaibang kagalakan sa marami sa atin.






Sino bang makakalimot sa mga malalaking baril na ating ginagawa noon mula sa puno ng saging? Kaunting uling lamang at ilang mga gamit sa bahay ay tila maaari ka nang sumabak sa giyera.

Marahil ay isa ka rin sa mga kabataang nagnais na magluto sa ilalim ng ilang mga kahoy habang nagpapakulo ng ilang dahon at gulay sa isang lumang lata. Gayundin naman ay napakasarap alalahanin ang paglalaro natin ng mga lumang gulong gamit ang isang manipis na patpat.

Siyempre, hindi rin naman papahuli sa listahan ang mga larong sipa, “syatong”, “trumpo”, “jolen”, kadang-kadang, “moro-moro”, labanan ng mga gagamba, pagpapalipad ng sarangggola at “tumbang preso”. Ikaw, ano ang pinakanamimiss mong laro noong kabataan mo?





Post a Comment

0 Comments