Kasambahay, Nakapagtapos Bilang Magna Cum Laude


Isang kasambahay ang nagpahanga sa mga Netizens matapos nitong makapagtapos ng pag-aaral at isang Magna Cum Laude dahil sa kanyang pagsisikap.

Isang kwento ng nakakaantig puso ang ipinamalas ng isang kasambahay na hindi pinanghinaan ng loob at hindi nawalan ng pag-asa para magpursiging magpatuloy sa pagaaral.

Tunghayan ang kwentong buhay ni Grace Labradoe Bacus na dating kasambahay na lumaban sa buhay para maabot ang inaasam na medalya matapos magtapos ng pag-aaral bilang isang Magna Cum Laude.


Ayon sa Facebook post ni Grace, nagmula sa isang payak ang kanilang pamilya at habang lumalaki ay naiisip nitong hindi siya kayang pag-aralin ng kanyang mga magulang dahil siyam silang magkakapatid at sakto lang ang sinasahod ng kanyang ama para maitawid ang kanilang kumakalam na sikmura sa pang araw-araw.

Si Grace ay pangatlo sa mga magkakapatid at noong matapos siya sa high school ay naisipan nitong magtrabaho bilang isang kasambahay upang makaipon ng pera para sa kanyang pagkolehiyo at makatulong na rin sa kanyang mga nakababatang kapatid.

Namasukan si Grace bilang isang kasambahay ng sampung taon kung kaya naman nakaipon siya para sa kanyang pag-eenroll sa kolehiyo at sa edad na 26 ay muli siyang bumalik sa pagaaral para ipagpatuloy ang kanyang mga pangarap.

Si Grace ay kumuha ang kursong Bachelor of Secandary Education Major in English sa Talisay City College.


Ang pagbabalik aral ni Grace ay hindi naging madali dahil kasabay nito ay kailangan pa niyang alagaan ang mga nakababatang kapatid dahil ang kanyang mga magulang ay parehong naghahanap buhay rin.

Dahil dito ay madalas na lumiliban sa klase si Grace dahilan ng palaging napagsasabihan ng hindi magandang ng kanyang guro sa kanilang paaralan.

"You'd better quit school because you don't need a degree to take care of children."
 ayon umano sa kanyang guro.

Maaaring nakakapanghina ang mga salitang natanggap ni Grace mula sa kanyang guro ngunit hindi niya ito ininda bagkus ay lalo pa siyang nagpursigi at ginawa itong lakas at inspirasyon upang maabot ang kanyang pangarap.

"Yes, word for word, I could still hear you say that. It was engraved in my heart. That the person I expected to enderstand me was the same person who brke me into pieces for she was supposedly my ADVISER, my second parent," pahayag ni Grace sa kanyang Facebook account.


Dahil sa hindi magandang naranasan nito mula sa kanyang dating adviser ay sinabi nito sa kanyang sarili na kailanman ay hinding-hindi niya ito gagawin sa kanyang mga magiging estudyante bagkus ay uunawain niya ang mga ito at tutulungan para maabot ang mga pangarap.

Dahil sa hindi magandang naranasan nito mula sa kanyang dating adviser ay sinabi nito sa kanyang sarili na kailanman ay hinding-hindi niya ito gagawin sa kanyang mga magiging estudyante bagkus ay uunawain niya ang mga ito at tutulungan para maabot ang mga pangarap.

Ang ipinamalas na kabutihang loob at pagpupursigi ni Grace ay talaga naman nakakabilib na sana ay maging inspirasyon siya ng mga taong nais makapagtapos ng pagaaral ngunit kapos sa pera.

Dahil dito ay inulan naman ng mga positibong komento si Grace mula sa mga netizen na naka-basa sa kanyang kwento.

"Ganyan dapat ang mindset ng mga tao, na kahit kapos sa pera ay gumagawa pa rin ng paraan upang makapag-aral ay abutin ang mga pangarap sa buhay. Saludo ako sa mga taong tulad mo Grace, isa kang tunay na inspirasyon sa lahat."

"Wow, nakakabilid naman po ang ipinamalas ni Grace.. Nagawa niyang hindi magpaapekto sa sinabi ng kanyang adviser. talagang pursigisong makatapos sa pagaaral at abutin ang mga pangarap."

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments