Lola na mayroong asong loyal, nakatanggap ng tulong mula sa isang organisasyon at ilang mga netizens matapos maging viral ang kanilang larawan noon!





Kung noon ay si Lola Estelita Cornesta ang nag-aalaga at kumakalinga sa kaniyang asong si Kobe, ngayong mayroon siyang sakit dahil sa kaniyang problema sa puso ay ito na mismo ang nagbabantay at nagpoprotekta sa kaniya. Talaga namang naantig ang publiko sa pagiging malapit nila sa isa’t-isa.

Photo credit: AKF Facebook



Tunay nga na kung papakitaan mo talaga ng pagmamahal ang iyong alagang aso ay tunay na pagmamahal din naman ang isusukli nito sa iyo. Hindi na lingid sa kaalaman ng publiko na minsan nang hinangaan ng maraming mga netizens ang pambihirang koneksyon nina Lola Estelita, 87 taong gulang at ang alagang aso ng kaniyang apo na si Glomarie Lising na nakilala natin bilang si Kobe.

Photo credit: AKF Facebook




Dahil na rin sa napakaraming mga netizens na nag-share ng kanilang nakakatuwang larawan ay agad na nakarating ito sa Animal Kingdom Foundation (AKF) ang mga larawan sa kanilang na siya ring bumisita kay Lola Estelita na nakatira sa Nueva Ecija. Hindi lamang gatas para sa lola ang kanilang iniabot na tulong kundi marami ding dog feed para kay Kobe at iba pang mga gamit.




Photo credit: AKF Facebook



Pagbabahagi pa ng kaniyang apo na si Glomarie, isang makulit at bibong aso talaga si Kobe ngunit nang makita niya ang kaniyang lola Estelita ay agad itong sumampa sa kaniyang kama, hinalikan ito at naging sobrang tahimik.




Photo credit: AKF Facebook

“Makulit po na aso si Kobe. Hilig niya pong tumakbo at mag-roam around. Pero noong nakita niya si lola, sumampa siya agad sa kama ni lola at hinalikan niya pa ito. Tapos super behave siya,” pahayag ni Glomarie.

Sa tuwing aalis kasi siya ay sina Lola Estelita at Kobe lamang ang magkasama kung kaya naman natural na lamang sa aso ang protektahan ang matanda. Maraming mga netizens ang hindi napigilang maantig sa kanilang kwento habang ang iba naman ay hindi maiwasang ibahagi ang kamukhang kwento kasama ang kanilang mga alagang aso. Tunay nga na marami sa atin ang certified animal lovers.

Photo credit: AKF Facebook

Mahirap man ang buhay ay hindi ito nagiging hadlang upang hindi natin mahalin at kalingain ang mga alaga nating hayop.


Source: Facebook





Post a Comment

0 Comments