Isang rider ang naawa sa 85 taong gulang na matandang naglalako ng kaniyang paninda sa kalsada, pinagpahinga ito at ibinenta ang mga walis online na agad din namang naubos!





Bago pa man ang pandemyang nararanasan natin sa ngayon, madalas na tayong makarinig ng mga reklamo at daing mula sa mga kakilala nating nagtatrabaho o nagbabanat ng buto. Sa kabila ng pagsusumikap nila sa buhay o sa ganda ng posisyon nila sa trabaho ay talagang mayroon pa rin silang masasabi.

Photo credit: Benedict Jade Duran Facebook



Nakakalungkot lamang isipin na maraming mga Pilipino sa ngayon ang tila hindi na nagagawa pang pahalagahan ang kanilang mga trabaho. Nang dumating at naranasan na natin ang pandemya ay mas maraming mga Pilipino ang nagpahalaga sa kanilang mga tinatangkilik.

Photo credit: Benedict Jade Duran Facebook




Hindi kasi lahat ay nagkaroon pa ng pagkakataong kumita at mapanatili ang kanilang trabaho dahil na rin sa dami ng mga negosyo at establisyementong naapektuhan. Ngunit kahit gaano pa kahirap ang sitwasyon natin ngayon, mayroon pa ring iilang mga Pilipino ang nakikipagsapalaran sa pagsubok ng buhay.




Tulad na lamang halimbawa ni Tatay Jesus, 85-anyos na at naglalako pa rin ng malalaking mga walis sa lansangan sa gitna ng pandemya. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita siya ng rider na si Benedict Jade Duran habang papunta ito sa kaniyang rush delivery sa isang mall sa Quezon City.



Photo credit: Benedict Jade Duran Facebook




Naisin man niyang unahin ang kaniyang trabaho ay hindi niya magawang tingnan na lamang ang mahirap na kalagayan ni Tatay Jesus. Kung kaya naman dali-dali siyang bumaba sa kaniyang sasakyan at magalang na sinabi sa matanda na magpahinga muna ito.

Ramdam ni Benedict ang pagod ng matanda kung kaya naman agad niyang pinost sa social media ang mga panindang walis ng matanda na agad din namang naubos. Masayang masaya si Tatay Jesus dahil naubos ang sampung walis na paninda niya nang hindi na niya kailangan pang maglakad at maglako sa lansangan.

Photo credit: Benedict Jade Duran Facebook

Hindi lamang kay Tatay Jesus sumaludo ang publiko kundi maging sa rider na si Benedict dahil sa pagmamalasakit nito sa kaniyang kapwa na dapat talagang tularan ng marami sa atin.





Post a Comment

0 Comments