Pag-aasikaso at pag-aalaga ng anak na ito sa kaniyang may sakit na ina, kinaantigan ng publiko dahil sa hindi kinahihiya ng anak ang kaniyang magulang!





Walang ibang hinangad ang mga magulang kundi ang ikabubuti ng kanilang mga anak. Pangarap nilang maging matagumpay ang kanilang mga anak at magkaroon ng magandang kinabukasan.

Ngunit hanggang saan mo nga ba kayang unawain at intindihin ang iyong mga magulang? Sa oras ng pagsubok, problema at kagipitan magagaw a mo pa kayang samahan sila o habaan man lamang ang iyong pasensiya?



Photo credit: Ara Castillon Ranque video

Kamakailan lamang ay umantig sa puso ng maraming mga netizens ang anak na ito dahil sa kaniyang pag-aasikaso sa kaniyang ina. Ayon sa ibinahaging video ng netizen na si Ara Castillon Ranque ay nais niyang maging aral para sa mga kabataan ngayon ang kaniyang sitwasyon kung saan kailangan niyang arugain ang kaniyang ina na mayroong karamdaman.




Photo credit: Ara Castillon Ranque video




Hindi din daw niya nais na sumikat dahil ang nais lamang niya ay maging aral ito para sa mga taong tila nakakalimot na sa mga biyaya at pagsubok na tinatamasa nila sa buhay. Mahirap man ang sitwasyon niya ngayon ay laking pasasalamat pa rin niya dahil sa kapiling niya ang kaniyang magulang.



Photo credit: Ara Castillon Ranque video




Sa naturang video ay makikita siyang pumasok sa isang masikip na kwarto kung saan naroroon ang kaniyang ina. Pinakain niya ito, sinipilyuhan ng ngipin, pinaliguan at dito na rin niya binihisan.

Photo credit: Ara Castillon Ranque video

Ipinusod niya rin ang buhok nito at pagkatapos ay niyakap ng mahigpit. Enero 11, 2021 lamang nang i-upload niya ang video niyang ito na mayroon nang mahigit sa 435,000 na mga reactions, 85,000 na mga comments at 244,000 na mga shares.

Photo credit: Ara Castillon Ranque video

“Ginawa ko to para maging aral sa bawat isa sa atin. Kahit [sa] ganito [ng] paraan ibinigay ko ang aking best para masupportaan ko ang aking ina. Kahit ganito ang sitwasyon ng aking ina hindi ko ikinahiya dahil siya nagbigay ng liwanang at inspirasyon sa aking buhay upang magawa ko ang aking pangarap at makamtan niya ang buhay na labas sa kahirapan.” Pahayag ni Ara.






Post a Comment

0 Comments