Sa panahon natin ngayon, hindi lamang mga magulang na Pilipino ang hirap na awatin ang kanilang mga anak sa labis na paggamit at pagdepende sa mga gadgets. Maliban kasi sa halos bawat lugar ay mayroon nang “internet connection”, bawat isa sa atin ay mayroon ding higit sa isang mga cellphone para sa negosyo o di kaya naman ay personal na pangangailangan.
Madalas na abala rin ang mga magulang o bantay ng mga bata kung kaya naman hindi talaga maiiwasang abutan nila at paggamitin ng cellphone at iba pang modernong gadget ang mga ito. Nakakalungkot lamang dahil ang nagiging resulta ng mga ito ay labis na pagdepende ng mga bata sa mga ganitong gadget.
Madalas ay nakasasama na rin ito ng kanilang kalusugan. Kamakailan lamang ay marami ang nasorpresa nang ibahagi ng isang mommy vlogger na kaya pala talagang makapagpalaki ng mga anak nang walang TV at gadget sa bahay.
Maaaring imposible at napakahirap nito para sa marami sa atin, ngunit nakaya nila. Ibinahagi ng mommy vlogger sa kaniyang FB Page na “Parenting by His Grace” ang dahilan kung bakit wala silang telebisyon sa kanilang bahay.
Minsan daw may nagtanong sa kaniya patungkol dito at sinabi naman niyang imposible talaga ngunit naging epektibo naman sa kanila dahil sa hanggang ngayon ay buhay pa ang kanilang mga anak. Ang sikreto ng mommy vlogger ay ang pagbibigay niya ng mga aktibidad para sa kaniyang mga anak.
“Possible naman. Kailangan lang mabigyan sila ng mga bagay na pagkakaabahan nila instead of letting the gadget do the job,” pahagay ng niya.
Aminado siyang mahirap talaga sa umpisa ngunit nasanay na rin ang kaniyang mga anak kalaunan. Ang pangunahing kalaban talaga nila ay ang “boredom” o pagkainip ngunit ito rin ang naging dahilan upang mailabas nila ang kanilang pagiging malikhain.
Sa kaniyang viral post ay makikita ang kaniyang mga anak na tumutugtog ng kanilang mga gitara.
Source: Facebook
0 Comments