Punong-puno ng inspirasyon ang post ng isang Netizen na si Zaldy Ordiales Bueno dahil sa mag-amang nakita niya sa isang paaralan na kanyang pinapasukan. Idinetalye ni Zaldy sa kanyang post ang nakakaluha bagamat nakakamanghang dedikasyon ng dalawang mag-ama.

Habang kinakausap ni Zaldy ang aplikante nitong nakawheel chair ay hindi niya maiwasan maluha sa mga kwento nito sa kanyang buhay. Ani ng aplikante, na-delay ang kanyang pag-aaral dahil sa aksidenteng nangyari sa kanya. Kaya naman noong 2014, ay kumuha ito ng ALS at nakapasa. Nakapasa din ito sa LET noong 2019 nang makatapos ng kolehiyo at ang kursong kanyang kinuha ay Education.



Nang tinanong pa ni Zaldy ang aplikante kung nasaan ang mga magulang nito ay itinuro sa sulok ang matandang lalaki na nakatingin sa kanila. Habang nag-uusap ang dalawa ay hindi nila mapigilan ang emosyon na kanilang nararamdaman.

"Siya po ang tatay ko. Anim na taon na po niya akong itinutulak sa wheelchair mula ng mag college ako hanggang umexam ng LET hanggang ngayong nag aaplay na ako." Dagdag pa nito na lalong nagpaluha kay Zaldy.



Matapos ang kanilang pag-uusap ay umalis na si Zaldy at ang mag-ama. Umuwi si Zaldy na puno ng inspirasyon sa buhay. Mas madami pa umano ang kanilang pag-uusap tungkol sa buhay kaysa sa laman ng papel na dala ng aplikante. Kinilala ang aplikanteng ito na si Edwin Garin na residente ng Atimonan.

Narito naman ang buong detalye ng post ni Zaldy sa Social Media:

https://ift.tt/37X74Y7

Source: Noypi Ako