Walang imposible sa isang bulag na babae na nakapagtapos ng pagiging guro at isang Suma Cum Laude

Mahirap sa isang tao na walang paningin at tanging dilim lamang ang nakikita. Ngunit walang imposible sa taong may pangarap at dedikasyon sa buhay. Walang hadlang o balakid para makapagtapos sa pag-aaral si Minnie Aveline Juan. Pinarangalan si Winnie bilang unang Suma Cum Laude sa kanilang paaralan.



Si Minnie ay isang PWD ngunit hindi ito naging dahilan para sumuko at hindi magpatulog sa buhay bagamat siya ay nagsumikap na makapagtapos ng pag-aaral at labis siyang hinangaan sa kanyang dedikasyon sa pag-aaral. Isa sa kanyang taga-paghanga ay ang kanyang kaibigan at kaklase na si Amelia Vicente. Ayon kay Amelia ay ginawa niyang inspirasyon ang kaibigan sa pag-aaral. Hinangaan niya ang kaibigan dahil hindi ito sumuko sa pagsubok ng kanyang buhay.



Nag-tapos ng pag-aaral si Minnie sa Virgen Milagrosa University Foundation sa San Carlos City. Kasama ng 400 na estudyante, nakapagtapos ng suma cum laude si Minnie. Ayon kay Minnie, gagamitin niya ang kanyang pinag-aral upang makapag-turo sa kagaya niya na Persons With Disabity o PWD. Magtuturo siya ng Special Education kapag nakatapos na siya ng Masteral Degree.
Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments