Hindi natatapos ang pagiging magulang ng isang ina kapag ipininganak ang kanyang supling, labis na pagmamahal at pag-aalaga ang ibibigay nito sa kanyang anak at lahat ng pagsasakripisyo ay gagawin para sa ikabubuti nito. Hindi lamang pagpapalaki sa anak ang tungkulin ng isang ina, layunin din nitong mapagtapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak ng sa ganoon ay magkaroon ito ng maayos na buhay sa hinaharap.
Isang post naman sa Social Media ang nag-viral matapos magpasalamat ng isang bagong lesinsyadong doktor sa kanyang ina. Si John Nico Ronquillo ay labis na pinasalamatan ang kanyang ina sa lahat ng sakripisyo nito. Ayon pa sa kanya, ibabalik nito ang sakripisyo ng kanyang ina.
Wala ng mas liligaya pa sa isang ina na makita ang kanyang anak na maging matagumpay sa buhay. Narito naman ang labis-labis na pasasalamat ni John Nico Ronquillo para sa kanyang ina:
"Mama, alay ko po sa iyo ang tagumpay na Ito.
Sa buong apat na araw ng board exam, kasabay ko syang gumising, kasama ko syang pumunta ng testing center, naghihintay sya sa labas At nagdarasal habang nageexam ako, kasamang nagrereview At gumigising sa akin nung mga oras bumibigay na ako sa antok.

Kasamang sumigaw, tumalon, at umiyak nung nalaman kong pasado At lisensyadong Doktor na ako.
Sa tatlompu’t isang taon, Hindi nya ako iniwan, hindi nya ako binitawan, lahat kinaya ni Mama para sa akin. Siya ang inspirasyon ko, siya yung malaking bahagi na humubog sa pagkatao ko, sya yung nagsilbing sandigan ko sa lahat ng oras. Siya yung naging gabay ko.
Ngayon bawat Siya Ay papalitan ko ng Ako.
Ma, ako naman po Ang bahala sa inyo.
Ako na po ang magtataguyod sa iyo, Ako na po ang magsisilbi sayo, ako na po ang magaalaga sa inyo, ako na po ang magbibigay katuparan sa lahat ng pangarap mo para sa atin.
Hindi mo po na kailangang mangutang, Hindi na rin masusugatan Ang mga kamay mo, Ma, Hindi na mawawala Ang mga ngiti sa labi mo.
Ito na po yung pangarap mo para sa akin. Ito na po yung simula ng mas marami pang magandang bagay na mangyayari sa buhay natin."
Source: Noypi Ako
0 Comments