Lalaki, Nahuli ng mga SG at Pinagbabayad ng P2,500! "Wala Kayong Karapatan na I-clamp ang Motor ko Sir!"



Isang video ang nag-viral matapos na iupload sa Social Media ang lalaki na hinuhuli ng mga Security Guard at kina-clamp ang kanyang motorsiklo.

Kwento ng lalaki sa video na nasa isang private subdivison siya nang mag-beating the red light siya. "Beating the red light daw po ako hinuli po ako ng mga security guard dito. ngayon pina pa settle po sakin yung babayaran ko may pinakitang papel po sakin nag kakahalgang 2,500.00 pesos ang sabi ko po ticketan nalang nila ako tapos sabi nila i clamp daw yung motor ko pag di na settle yung bayad."

Sinasabi ng lalaki sa video na walang karapatan ang mga Security Guards na hulihin at i-clamp ang kanyang motor. Papayag naman umano siya ticket-an ng mga Security Guards ngunit pinipilit pa din siyang ika-clamp ang kanyang motor.

"Mabuti pa 'yung mga traffic enforcer napapakiusapan namin!" Binanggit pa niya ito sa kanyang video. Bwelta pa niya sa mga Security Guards na karapatan daw niyang mag-video dahil nagpapaliwanag siya atg kailangan niya ng record o katibayan. Dahil dito, gusto kumpiskahin ng mga Security Guards ang cellphone na ginagamit ng lalaki pang-video.

Wala umanong pang-ticket ang humuhuli sa kanya. Bago makuha ng motorista nag kanyang motor ay kailangan niya umano magbayad ng P2,500.

"Nanghuhuli po kayo ng wala kayong pang-ticket." Ayon sa lalaki.

Sagot naman ng Security Guard ay private daw ang lugar na 'yon kaya hindi na nila kailangan ng ticket. Ayon pa sa mga Security Guards ay huwag daw niya silang tuturuan.


Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments