Mag-ama na Dating Nagtitinda ng Ballpen at Namamalimos sa Kalsada, Maganda na ang Buhay Ngayon!



Nakakalungkot makita ang mag-ama na ito. habang karga ang kanyang musmos na anak ay nagtitinda ang ama na ito ng ballpen at tila nag-mamakaawa na bilhin na ang kanyang ballpen. Marahil ang kanyang mapagbebentahan ay para sa pangkain nilang dalawa.

Ang ama na makikita sa larawan ay kinilalang si Abdul Halim at-Attar. Siya ay isang Syrian Refugee na naninirahan sa Lebanon.

Kumalat ang larawan ng mag-ama na ito sa Social Media. Ito ay naging tawid upang maabot nila ang kanilang pangarap at magkaroon ng kaginhawahan sa buhay.


Marami ang nahabag at naawa sa mag-ama kaya naman marami din ang nag-abot ng tulong sa kanila. Ang programa ng IndieGofo ay binigyan ang mag-ama na ito ng $190,000 o humigit kumulang na 10,000 piso dito sa atin.

Ngunit ang nasabing halaga ay nabawasan din dahil may mga proseso at bank fees pang ikinaltas sa nakuha nilang pera kaya naman naging $168,000 ang natira sa kanila. Nabawasan man ay masaya pa din ang ama dahil malaki pa rin ang halagang ito dahil malaking tulong na ang binigay sa kanila upang makapagsimula muli.


Natupad na ni Abdul Halim at-Attar ang kanyang pinapangarap na magkaroon ng sailing panaderya. Nging maayos ang takbo ng kanyangg negosyo at mas pinalago niya pa ito.

Kaya naman, nag-hire siya ng 16 Syria Refugees gaya niya upang makatulong sa kanyang negosyo. Sa kabutihan ng kanyang kalooban ay nagtagumpay siya sa buhay. Nakapagpagawa na din siya ng kanilang bahay at napag-aral na niyang ang kanyang anak.

Lubos naman ang pasasalamat niya sa lahat ng tumulong sa kanilang mag-ama. Ang tul;ong na ibinagay sa kanila ay pinalago niya at hindi lang napunta sa wala.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments