Nag-viral ang video ng grupo ng mga kalalakihan na nasa gilid ng pool habang may iniikot na isang binatilyo at ihinulog sa swimmping pool. Nakarating naman ang isyu na ito sa programa ni Raffy Tulfo.
Kinilala ang biktima na si Ralph Agramon. Ang nais ni Ralph ay humingi na lamang na patawad ang kanyang mga kaibigan sa kanilang ginawa sa kanya at maging aral na lamang ito sa kanila.
Binahagi ni Ralph ang nangyari bago at matapos ang ginawa sa kanya. Nagpasya silang magkakaibigan na lumangoy, 5 hanggang 10ft. Dahil sa marunong sila lumangoy, naging kampante ang life guard na walang masamang mangyayari. Mas marunong pa di-umano ang mga binatilyo na lumangoy kaysa sa kanya [life guard].
Napag-usapan din daw nila na gawin ang "helicopter challenge" na nagawa na nila noon. Unang ginawa ang nasabing challenge kay Ralph, dahil kababata at mga kaibigan niya ay nagtiwala siya sa mga ito. Inikot umano siya ng 16 beses at sabay tulak sa pool. Ngunit ilang sandali, hindi na nakaahon si Ralph. Sinabi ng kanyang mga kaibigan sa Life guard na nagbibiro lang si Ralph. Hindi na daw tama ang nangyayari ayon sa life guard kaya napag desisyunan niyang sagipin na si Ralph at ng maiahon ay ginawa na ang CPR.
Ayon naman sa ina ni Ralph na si Cecil Agramon, ay nalungkot at masakit sa kanya ang nangyari dahil ang unang nakarating na balita sa kanya ay wala ng buhay ang kanyang anak na si Ralph. Nais ni Cecil na huwag na uulitin ang ginawa ng mga kaibigan ni Ralph. Humingi naman ng tawad ang mga kaibigan nito.

Source: Noypi Ako
0 Comments