Sakit ng katawan ang inabot ng seller na ito sa kanyang Buyer' dahil Bike pala ang Binebenta at Hindi Motor!


Isang post ni Ejerson Mayor Pendre ang nag-viral sa Social Media matapos umano siyang bugb0gin ng isang seller na nakipag-meet up sa kanya. Iba't-ibang reaksyon naman ang natanggap niya, maraming natawa at may ilan na natuwa. Umabot ng 12k reactions at 38k shares ang kanyang post.

Sa post nito sa kanyang Facebook Story o Myday ay aakaliin mo naman talagang motor ang kanyang binebenta. Ang "motor" na ito ay nagkakahalagang P10,000.00 kaya naman agad na nag-message ang isang buyer na bibilhin na niya ito.





"Boss legit na 10k yan?"

"Opo sir rush kasi eh"

"Pwede meet up sir? Para macheck."

"Opo Sir"

"Sige boss. Wag mo na bigay sa iba kunin ko na yan"

Inakala ng buyer na naka-jackpot siya at nakakuha siya ng P10,000.00 na motor, ang hindi nito alam ay bisekleta pala ang nasa larawan dahil nakaporma lamang ito na parang tunay na motorsiklo. Nakipag-meet ang buyer kay Ejerson, ngunit nabugb0g lamang ito dahil nadismaya ang buyer sa kanya dahil ang inakala nitong motor ay isa pa lang bisekleta.



Naisip naman ng mga netizens, napahamak siya dahil sa pinakita niyang larawan. Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

"Ang kulit ni kuya, kaso nasampolan ka po tuloy. Ingat ingat din!"

"Sa unang tingin kala ko naka-jackpot na yung buyer kaso bike pala"

"Pati akong kaibigan mo mabibiktima mo sana"

"Haha, legit ba ito? kung ako si buyer, bibilhin ko pa rin kaso tatawaran ko lang"

"Angas kaya, tawad na lang po kuya pwede?"

Makikita sa kanyang facebook post ang caption niya na, "Shoutout kay kuya na nakipagMeet up para bugb0gin ako."


Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments