Nag-viral sa Social Media ang kwento ng isang ama na hindi nagawang makapagtapos ng pag-aaral ngunit nakapagpatapos naman ng mga anak at lahat ay Cum Laude.

Si Ramil Montalbo, isang mangingisda sa Iloilo at mula sa mahirap na pamilya na ang tanging ikinabubuhay lamang ay ang pangingisda. Noon ay pursigido siya sa pag-aaral dahil mataas ang pangarap niya at nais niya maging sundalo balang-araw ngunit dahil sa kakapusan sa pera ay hindi siya nakapagtapos sa pag-aaral.


Tutol din ang kanyang ama noon dahil nahahati pa ang kanyang kinikita sa pangingisda, sa mga gastusin at sa kanyang mga kailangan sa pag-aaral. Kaya naman madalas silang nagtatalo at napagdesisyunan na niyang huminto na lamang sa pag-aaral.

Nang magkaroon siya ng sariling pamilya, ipinangako niya sa kanyang sarili na pag-aaralin niya ang kanyang mga anak at hindi pagkakaitan na makapag-aral tulad ng ginawa sa kanya ng kanyang ama. Pinagsumikapan niyang mapagtapos ang kanyang mga anak.


Sa kabila naman ng kanyang paghihirap at sakripisyo na ibinuhos para makatapos ng pag-aaral ang kanyang mga anak ay hindi naman siya binigo ng mga ito dahil hindi lamang basta nakapagtapos dahil lahat sila ay nagtapos ng Cum Laude.

Source: Noypi Ako