Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang isang balita tungkol sa 'Maginhawa Community Pantry' na ginawa sa isang barangay sa Quezon City. Naging insipirasyon ito para sa iba't ibang lugar gaya na lamang sa San Miguel, Bulacan. Matatagpuan dito ang nagmistulang bagsakan ng mga gulay at isda sa ginawa nilang community pantry sa Barangay Bantog, San Miguel, Bulacan.



Ayon sa ilang ulat ay mismong si Kapitan Bong Maon at ang pamilya ni Kapitan ang naglagay ng community pantry sa San Miguel, Bulacan. 

"Nagmistulang bagsakan ng gulay at iba pang pagkain ang Barangay Bantog Community Pantry sa San Miguel, Bulacan. Mismong si Kapt. Bong Maon at ang kanyang pamilya ang naglagay ng naturang community pantry,"
 ayon kay Thony Arcenal.


Maraming netizens naman ang napahanga sa ginawa ng kapitan at sa nasasakupan nito. Isang mabuting halimbawa para sa mga namumuno ang ginawa ng kapitan na ito. narito ang ilang komento ng mga netizen sa naturang post:

"Kung may ganito sa bawat lugar, walang matutulog ng gutom."

"Salamat po sa mga nagbagsak at tumulong. sa dami ng nag donate kitang kita na malaki ang tiwala nila kay Kapitan na nanguna sa Community Pantry. Salute kay Kap."


"Yan ung totoong community pantry na layunin magpakain at tumulong. Hindi yung pantry na may papirma pa ng petisyon at leaflets."

"Good job talaga sa mga taong may magagandang loob kaso binibigyan naman ng ibang kahulugan,hayssst tao nga naman sa earth bakit ganoon.basta ako pagpalain po kayo ng maykapal."

"iba talaga ang Pinoy! Saludo po ako sainyo"

"Ang sarap nman wala ng magugutom s San Miguel bulacan"


Source: Noypi Ako