Mabilis na nagtrending sa social media ang video kung saan nahuli sa CCTV ang isang grupo ng kababaihan na sinimot ang laman ng iba't ibang pagkain sa lamesa sa isang community pantry. Nangyari ito sa isang barangay sa Pasig City. Maraming netizens ang bumatikos sa ginawa ng anim na kababaihan dahil tila naging makasarili umano ang mga ito at hindi inisip ang kanilang kapwa.


Ngunit sa isang ulat ng GMA News ay nagbigay ng pahayag ang isa sa grupo ng mga kababaihan na kumuha ng pagkain. Nagpakilala ang babae na si Shawie. Sinabi nito na kaya lamang nila kinuha ang mga pagkain para bigyan din nila ang kanilang kapitbahay at medyo nagtaas ng ito ng boses habang ipinagtatanggol ang kanilang sarili.

"Kaya naming isauli yan! Kung ganyan lang din lang na ilalabas niyo sa social media," pahayag ni Shawie.


Ayon naman sa isa pang babae na si Ika ay nagtanong daw umano sila kung maaari daw ba silang kumuha. Nagpaalam muna daw sila bago kumuha ng mga pagkain sa community pantry. Kaya daw nila nagawa iyon ay para magbigay din sa kanilang mga kapitbahay. Iginiit din nila na hindi sila magnanakåw.

"Pasensya narin po kung ganon yung naging asal namin pero lilinawin lang po namin hindi kami nagnakaw," ani ni Ika.


Nagbigay naman ng pahayag ang may-ari ng community pantry na si Carla Quiogue sa grupo nila Shawie, "Hindi lang 'yung pamilya nila o hindi lang 'yung street nila 'yung mga nagugutom. Marami sanang gustong kumuha pero 'yun nga, di nakakuha kasi kinuha nila lahat."


Source: Noypi Ako