Mula ng bumisita ang Amerikanong Vlogger na si Dustin Borglin nung 2016 sa Cebu ay nagandahan agad ito sa lugar at nagustuhan din nya ang kabaita ng mga tao.Kaya naman bumalik siya dito sa bansa, ngunit sa pagbalik nya ay na-stranded sya dahil nagkaroon ng pandemya. Ngunit sa halip na malungkot ay naging masaya pa ang vlogger dahil sa simpleng pamumuhay at tumutulong sya sa nangangailangan.
Nagmula sa Michigan, USA, si Dustin Borglin at bumalik sya sa Cebu noong Marso ngunit inabutan sya dito ng lockdown.Nakituloy muna siya sa bahay nina Raymund at Reche Adoptante na kaniyang nakilala nang una siyang magpunta sa lalawigan.
Dito, natuto na si Dustin ng simpleng pamumuhay sa Cebu at naging masaya sa mga pagkaing inihahain sa kaniya. Katunayan, siya na mismo kung minsan ang nagluluto at kumukuha ng mga iluluto niya.
Nang makita niya ang dinadanas na hirap ng ilang taga-Cebu ngayong may pandemic, nagpasya siyang libutin ang probinsiya sakay ng motorsiklo para mamigay ng pera at ayuda, na mula sa kinikita niya sa vlog.
Nagpatayo pa siya ng palikuran o CR sa kanayunan sa Toledo City bilang maagang pamasko sa mga tao. Higit dito, pinagawan din niya ng bahay ang mga kaibigan niyang kumupkop sa kaniya.
"They're like my family. I've known them for almost three years now, and they've just been so kind to me,"- saad ni Dustin Borglin.
"It doesn't matter how much money you have. It doesn't buy happiness. They might not have a lot but everyone here is very, very happy," - dagdag pa ng Vlogger.
Source: GMA
Source: Noypi Ako
0 Comments