Jeepney Driver, Matagumpay na Nakapagtapos ng Kolehiyo sa Isang Unibersidad!



Nag-viral kamakailan sa social media ang facebook post ni Marvin Padilla Daludado noong Mayo 15. Sa kanyang post ay ibinahagi niya ang ilan niyang napagdaanan sa kolehiyo. Si mArvin ay nakapagtapos ng kolehiyo sa kursong Bachelor of Science in Information Technology.

Sa edad na 17-anyos ay suma-sideline sa pamamasada ng jeep si Marvin. noong una ay tutol ang kanyang mga magulang ngunit kinalaunan ay napapayayag niya rin ang mga ito.


Sa kanyang post ay lubos niyang pinasalamatan ang mga taong naging parte ng kanyang hourney simula una hanggang sa natapos niya ang pag-aaral. Ibinahagi din niya ang dahilan kung bakit siya naging isang jeepney driver.

Upang mairaos ang sarili sa pag-aaral ay naisipan niyang maging isang tsuper ng jeep. nais din niyang makatulong sa mga magulang kaya naman upang makatapos ay nagsumikap siyang pag-aralin ang sarili at hindi umasa sa magulang.


Sa katanuyan ay kung minsa'y sumusobra ang kanyang kita kaya naman nakakapag-abot siya sa kanyang mga magulang. Sinubukan din niyang magtinda ng iba't-ibang produkto, kung minsan ay may kita ngunit minsan naman ay wala.

Nagpasalamat si Marvin sa mga kapwa niya tsuper na kahit papaano ay tinutulungan siya, sa mga traffic enforcer na pinapalusot siya sa tuwing siya ay male-late na, sa mga guro na walang sawang utmulong sa kanya, sa mga kaklase na nariyan din para sa kanya at suportahan siya, at maging sa mga nag-1123 sa kanya noon na kapwa pa niya estudyante ay pinasalamatan din niya.


Lubos din ang kanyang pasasalamat dahil sa haba ng kanyang paglalakbay upang makapagtapos ay sa wakas, naabot na rin niya ang kanyang pinapangarap.

"Laging sinasabi ng iba na bakit pa daw ako namamasada eh nandyan naman daw yung magulang ko bakit di nalang daw ako humingi sa kanila.Di naman porket nandyan yung magulang mo ay iaaasa mo na lahat sa kanila.Natuto akong maging independent at tumayo sa aking sariling paa dahil masarap sa feeling na sa maliit na paraan ay nakakatulong ako sa mga magulang ko at yung mga gusto kong bagay ay nabibili ko kahit papaano ng di ko na hinihingi sa kanila.kahit sa maliit na paraan ay malaking tulong na sa kanila yun dahil di na nila ako intindihin.


"Habang may diskarte at paraan kumita ay sulitin natin. nag try din ako mag business ng kung ano anong pagkakakitaan may times na kumita at may times din na nalugi. mahirap man sa umpisa pero pag nakita mo naman yung bunga ng paghihirap mo ay worth it naman lahat sa huli.Sabi nga. lahat nang taong nagiging Successful ay dumadaan muna sa hirap."


Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments