Siksik, liglig at umaapaw ang pagmamahal ng isang ana para sa kanyang pamilya. Lahat ay kaya nitong gawin para lamang maibigay ang makabubuti para sa kanyang pamilya lalo na para sa kanyang mga anak. Babae man ay handang gawin lahat ng isang ina na kinilalang si Lelibeth Javillo. Si Lelibeth ay isang triccyle driver at ito ang kanyang ikinabubuhay.
Ang nakakamanghang kwento ni Lelibeth ay ibinahagi ni Bryan Celeste sa kanyang facebook account. Tatlo umano ang mga anak ni Lelibeth na nag-aaral.
Ang hanapbuhay noon ni Lelibeth ay ang pagluluto ng mga pagkaing meryenda. Maaga siyang gumigising upang makapamalengke at makapagluto ng kanyang mga paninda. Isinasabay niya ito sa pagpasok ng kanyang mga anak sa eskwela. Ngunit, dahil naging mahigpit ang paaralan kung saan siya nagtitinda noon, ay hindi nagtagal ang ganitong klaseng paghahanapbuhay.
Dahil dito, ay napagdesisyunan niyang bumili ng motor na hulugan upang magamit niya sa pag-lalako ng kanyang mga paninda. Iniikot umano niya ang kanilang lugar sa Alaminos ngunit hindi katagalan ay humina na din ang kanyang kinikita.
Ginawa na lamag niyang tricycle ang binili niyang motor na hulugan. Namasada siya at naging myembro siya ng kanilang TODA at siya lamang ang nag-iisang babae. Noong una ay natatak0t pa si Lelibeth ngunit kinalaunan ay nakapag-adjust na din siya sa tulong ng kanyang mga ka-TODA.
Kahit na ang ikinabubuhay niya ay panglalaki, hindi na niya ito inisip dahil ang mas mahalaga sa kanya ay ang mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak. Marami man ang kanyang pinagdaanan ay hindi ito naging dahilan upang siya ay sumuko bagkus ay mas pinatatag siya at mas lalo siya nagsumikap para sa kanyang pamilya.

Source: Noypi Ako
0 Comments