Walang Imposible! Isang Bulag ang Nakapagtapos ng Kolehiyo Bilang Suma Cum Laude!



Marami ang lubos na humanga sa istorya ng isang bulag na si Minnie Aveline Juan. Siya ay nakapagtapos ng kolehiyo sa paaralan ng Virgen Milagrosa Foundation sa San Carlos. Hindi lamang basta nakatapos ng pag-aaral si Winnie, dahil natapos niya ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo bilang isang Suma Cum Laude.




Hindi naging balakid ang pagiging bulag para makapagtapos ng pag-aaral si Minnie dahil imbis na siya ay sumuko ay mas pinag-igihan pa niya ang kanyang pag-aaral at napagtagumpayan niya itong natapos.

Kauna-unahang nakapagtapos si Minnie bilang Suma Cum Laude sa kanilang paaralan kasama ang 400 estudyante. Lubos na humanga ang maraming netizens kay Winnie dahil sa determinqsyon nitong makapagtapos ng pag-aaral.





Si Minnie ay nakapagtapos sa kolehiyo sa kursong Bachelor of Science Elementary Education. Isa sa naging taga-hanga at nagsilbing inspirasyon siya, ang kaklase niya na si Amelia Vicente.

Balak ni Minnie na gamitin ang kanyang napag-aralan at magturo ng special education sa mga katulad niyang Persons with Disability o PWD kapag natapos niya ang masteral degree.




Tunay ngang kahanga-hanga ang determinsayon ni Minnie. Isa siyang inspirasyon para sa mga kabataan ngayon na magpatuloy sa pag-aaral at huwag basta-bastang sumuko dahil katulad ni Minnie, kahit mahiråp at malayo ang kanyang nilakbay, nagpatuloy pa din siya para maabot ang kanyang pangarap sa buhay.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments