Marami sa ating mga matatandang kababayan na nananatiling naghahanapbuhay sa kabila ng kanilang edad. Dito ay pinipili ng mga lolo at lola na magtrabaho pa rin dahil sa matinding kahiråpan. Ang ilan naman ay nagtatrabaho pa rin para malibang. Sa kanilang edad ay nararapat lamang na nananatili sila sa bahay at hindi na magbanat ng butö.
Isang 78-anyos na lola naman ang matiyagang nagtitinda ng ni-recycle niya na mga pitaka at sumbrero. Ayon sa concerned netizen na si Teodoro V. Lanuza Jr., naglalako umano ang lolang itosa may dulo umano ng footbridge sa Batasan Commonwealth, Quezon City .
Nananawagan si Teodoro na sana ay matulungan si Lola at mabigyan ng suporta sa kanyang paghahanap-buhay. Sa panahon natin ngayon ay mas lalong naghihiråp ang karamihan sa atin.
Kaya naman, marapat lamang na tayo ay magkaisa at magtulungan. Katulad ni Lola na naghahanapbuhay pa rin kahit na hindi ligtas para sa kanya. Sana ay matulungan siya.
Narito ang naturang post ni Teodoro V. Lanuza Jr.:
Pakisuportahan po natin si nanay.
78 years old pero masipag na nagbebenta sa Batasan sa may dulo Ng footbridge.
35 pesos po Ang binebenta niyang wallet. Nagbebenta Rin sya Ng pansalo sa ulo.
Source: Noypi Ako
0 Comments