Isang Ama na Magsasaka at Tricycle Driver, Nakapagtapos ng Dalawang Anak sa Pag-aaral; Ngayon ay Dentista at Pharmacist na!



Lahat ng makakabuti para sa kanyang anak ay gagawin ng isang ama. Ibibigay niya ang buong pagsasakripisyo niya, mabigyan lamang ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak. Ito ay pinatunayan ng isang ama na magsasaka na, tricycle driver pa. Kahit mahiråp ay matagumpay niyang napagtapos ang kanyang dalawang anak na babae.




Viral nagyon ang istorya ng isang ama na pinilit na mairaos ang pag-aaral ng kanyang dalawang anak na kasalukuyan na ngayon Dentista at Pharmacist.

Ipinagmalaki ni Marga Santiago Suobiron kung paano siya nakapagtapos at ang kanyang kapatid. Madaling araw pa lamang umano ay gumigising na ang kanyang ama para magtrabaho. Ang kinikita ng kanyang ama ay itinatabi para sa pag-aaral nilang magkapatid.

Kaya naman, kahit kailan ay hindi nila ikakahiya ang trabaho ng kanyang ama. Dahil sa pagsisikap ng kanyang ama sa pagtatrabaho ay hindi sila makakapagtapos ng pag-aaral.





Narito ang kabuuang post ni Marga:

When I was about to enter College I really wanted to be a flight attendant but my mom said:
" accountancy nalang kunin mo gaya ko. " I didn't agree kasi hate na hate ko talaga yung math. And my dad said: " mag dentistry ka nlng. Magiging doctor ka"

I didn't agree at first kasi alam ko kung gaano ka gastos ang dentistry. From tuition, to materials, gang sa patients magastos. Sabi ng mom ko " di natin kaya mag pa aral ng dentista. " ( oo alam ko. Kasi yung papa ko magsasaka at TRICYCLE DRIVER LANG) pero sabi ng papa ko : " okay lng yan mag enroll ka. Kaya natin yan. Pagsisikapan ko yan! " and he did.

Tulog pa kami nagtatrabaho na papa ko sa farm namin. Umaalis sya ng bahay minsan 4am, minsan 5am. Then pag uwi nya, maliligo tapos hahatid nya kami ng 6am or 7am. After nya hatid, mag mamasada sya.




Kada kita nya sa pasada nilalagay nya yung titig 5 pesos coins sa ibabaw ng drawer. Iniipon nya. Then pag may babayaran sa school dun sya kumukuha. Minsan hihingi ako 500, 1k, 5k, gang sa humingi ako one time ng 20k pambili ng materials ko sa school. Sabi ko papa, kailangan ko ng 20k nextweek. Pambili ng dental materials. Di sya umaangal oo lng ng oo si papa. Gang sa nakagraduate ako ng college, nagpapasada padin si papa.

Simula nung grade 1 kami hanggang sa tunay na dentista na ako, yung tricycle nayun yung nag hahatid sundo saamin. Nang dahil sa TRICYCLE DRIVER kong tatay nakagraduate ako ng, elementary, highschool, college at naging dentista. Naka graduate ang kapatid ko ng Pharmacy dahil sa tatay kong "TRICYCLE DRIVER LANG" I am not giving all the credits to my father sa pag gastos samin sa pag aaral.




Nandyan ang mama ko, tita ko, pinsan ko na tumulong dn samin. Pero alam ko yung hirap ng tatay ko kakapamasada. Mainit, maulan, may bagyo o wala, alam ko ang hirap ng isang tricycle driver. Alam ko kasi nakikita ko ang tatay ko.

YOU HAVE NO RIGHT NA SABIHIN NA HINDI/ KAILAN NAGING MARANGAL ANG PAGIGING TRICYCLE DRIVER!! HINDI NILA NINANAKAW ANG PERANG PINAGHIHIRAPAN NILA. NAGTATRABAHO SILA NG MARANGAL PARA MAPAKAIN ANG PAMILYA NILA AT MABIGYAN NG MAGANDANG BUHAY ANG MGA ANAK NILA. THEY HAVE DREAMS TOO, A DREAM NA MAABOT ANG MGA PANGARAP NG MGA ANAK NILA.




AT ATE, HINDI LAHAT NG TRICYCLE DRIVERS AY WALANG PINAG ARALAN. TATAY KO TRICYCLE DRIVER PERO NAKA GRADUATE PO SYA NG MARINE ENGINEERING FYI. PINILI NYA MAGING TRICYCLE DRIVER AT FARMER KASI GUSTO NYA KAMING MAKITANG LUMAKI. SIGURO MALAYO NA ANG NARATING MO SA BUHAY KAYA KA GANYAN. MAG INGAT KA BAKA BALANG ARAW MATAAS DIN BAGSAK MO.

MY FATHER IS A FARMER AND A TRICYCLE DRIVER AND HE'S MY REAL LIFE SUPERHERO. NOTHING CAN CHANGE THAT. TO PAPA, AT SA LAHAT NG TRICYCLE DRIVERS, SALUDO KAMI SA INYO!!!

- Love, ang mga anak mong Dentista at Pharmacist

Hi #boknoyglamour

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments