Isang 75-Anyos na Lolo, Matiyagang Naglalako ng Nilagang Saging at Mais Para sa Kanyang Pamilya!




Marami sa atin ang mapalad na mayroon maayos na trabaho, nakakakain ng tatlong beses sa isang araw, may komportableng tahanan, at may sapat na pera para sa matustusan ang pangangailangan ng pamilya. Ngunit marami man ang mapalad sa atin, ay marami din naman ang naghihiråp lalo na sa panahon natin ngayon na may kinahaharap tayong pand3mya.



May ilan pa sa ating mga kababayan na kahit na may edad na ay nagpapatuloy pa din sa pagkayod sa buhay para lamang matustusan ang kanilang pamilya.

Katulad na lamang ng isang 75-anyos na lolo na natagpuan naglalako ng kanyang mga panindang nilagang saging at mais sa kasagsagan ng malakas na ulan. Hindi alintana kay Lolo ang malakas na buhos ng ulan dahil ang mahalaga lamang sa kanya ay makaubos ng mga paninda upang may pangtustos sa pamilya.




Ibinahagi ng isang concerned netizen ang ilang larawan ni Lolo. Ang netizen ay kinilalang si Karen Juliano-Jimenez. Ayon sa kanya, kahit umuulan at pand3mya ay tuloy pa rin si Lolo sa pagtitinda. Mapapansin sa larawan na tanging tuwalyang maliit lamang ang nagsilbing pangtakip sa ulo ni Lolo.




Narito naman ang kabuuang post ni Karen:

"75 yrs old na si tatay pero hindi tumitigil magtrabaho para sa pamilya. Kahit umuulan at may pandemya, tuloy ang paglalako nya. Simula 2010 ata nung una ko nakita si tatay sa staffhouse nagbebenta ng nilagang saging at mais."

"Pls kung makita nyo sya dito around sa Pembo, bili kau ng paninda nya. Para makauwi sya agad at makapahinga.May God bless and keep you safe always tatay."

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments