Pulis sa Pangasinan, Hinangaan ng Marami Matapos na Sagipin ang Buhay ng Dalawang Babaeng Nalulunod!




Likas na matapang ang ating mga kapulisan. Sila ang sumisiguro ng ating kaligtasan laban sa mga krimën. Handa rin ang mga kapulisan na magligtas ng buhay dahil isa ito sa pinakamahalagang serbisyo na maibibigay nila sa atin. Pinatunayan ito ng isang pulis sa Pangasinan nang iligtas nito ang dalawang buhay sa gitna ng malalakas na alon.




"Kung may isang Pulis na dumungis sa Hanay ng PNP at tumapos ng dalawang buhay, may Isa namang Pulis ang nagligtas ng dalawang buhay sa bingid ng kamat4yan," ayon sa pahayag ng HCA Production sa kanilang facebook post.

Kinilala ang pulis na si Patrolman Rey Manandeg ng Tourist, Lingayen Baywalk, Lingayen Pangasinan. Hingaang siya ng marami dahil sa ginawa nitong kabayanin nang mailigtas niya ang dalawang babaemg nalulunod sa Lingayen Beach.





"Sya si Patrolman Rey Manandeg ng Tourist Police, Lingayen Baywalk, Lingayen, Pangasinan.
Isang kabayanihan ang kanyang ginawa nang mailigtas nya ang dalawang babae na muntikan ng malunod sa Lingayen Beach."

Base sa post na HCA Production facebook page, ikinwento umano ng Pulis kung paano niya nakita at iniligtas ang dalawang babae. Nakarinig umano siya ng mga sigawan ng mga tao at tila humihingi sila ng tulong. Hindi naman nagdalawang-isip ang Pulis at agad niya umano nilangoy ang malalakas na alon ng dagat para lamang mailigtas ang dalawang babae.




"Ayun sa kanya, habang sya at nagpapatrolya ay nakarinig sya ng mga sigawan na humihingi ng tulong, di na ito nag dalawang isip at agad nyang nilanggoy ang dalawang babaing nalulunod sa gitna ng lakas at laki ng mga alon. At sa kabutihang palad at pareho naman nya itong naisalba."




Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments