Batang Lalaki, Nakitang Natutulog sa Kalsada Habang Yakap ang Kanyang Alagang Aso!



Mapalad ang mga bata na lumaki sa maayos na pamilya dahil marami sa mga bata ngayon ang napapabayaan ng kanilang mga magulang. Kaya naman, nagiging palaböy na lamang sila na kadalasang tinatawag na 'batang kalye' na natutulog sa lansangan na lubhang delikådo para mga bata.

Ano nga ba ang mga dahilan kung bakit hindi nawawala ang mga 'batang kalye'? Una at higit sa lahat, kapabayaan ng mga magulang. At isa pang dahilan ay ang matinding kahiråpan.




Nakakalungkot na isipin na imbis na nasa komportable at ligtas silang lugar ay nasa kalye sila kung saan marami ang mga hindi magandang nangyayari.

Kamakailan lamang ay nag-viral ang larawan ng isang bata na mahigpit na yakap-yakap ang kanyang alagang aso habang natutulog sa kalye. Marami sa mga netizens ang nais mag-abot ng tulong ngunit walang kahit na anong impormasyon ang makapagsasabi kung ano ang pagkakakilanlan ng bata.

Ang larawang ito ay ibinahagi ni Jem Villomo sa kanyang facebook account. Nakuhanan umano niya ng litrato ang batang natutulog kasama ang kanyang aso sa EDSA Shaw Boulevard Starmall. Wala man lamang sapin na kahit karto ang hiihigaan ng bata.





Panawagan ng mga netizens ay sana matulungan ang batang ito at mga iba ang 'batang kalye'. Hiling din nila na sana ay maaksyunan ito ng DSWD at pagtuunan ito ng pansin lalo na sa panahon ngayon na hindi na ligtas sa labas kapag gabi.




Mapapansin din sa larawan na tila komportable ang bata at ang aso nito habang magkayap silang natutulog. Tila ba naging pamilya na ng bata ang kayakap nitong aso. Tama nga ang sinasabi ng iba, maituturing na isang kaibigan at pamilya ang alaga nating aso.

Katulad ng batang ito, wala man siyang kasamang kahit na sino ay may kasama naman siyang alagang aso na magpaparamdam sa kanya ng pamilya.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments