Frankie 'Kakie' Pangilinan, May Mensahe sa Mga Taong Lumalait sa Kanyang Itsura: "Nakakapagod na po."



Naging usap-usapan ngayon sa social media ang isang anak nina Mega Star Sharon Cuneta at Sen. Francis "Kiko" Pangilinan na si Frankie "Kakie" Pangalinan. Nagsalita na si Kakie patungkol sa mga taong mahilig manglait ng itsura sa social media. Hindi na nakatiis pa si Kakie at nagbigay siya ng kanyang pahayag sa kanyang tweet.




Ayon sa kanyang tweet, ipinakita nya ang isang komento na natanggap niya mula sa isang netizen na nanglait sa kanyang mata sa larawan niyang ibinahagi sa kanyang Instagram account.

"Honest lang, maganda ka sana. Tabunan lang yong mata perfect na," komento ng netizen na may user name na blue_butterfly711.

Nagbigay dito ng kanyang opinyon si Kakie sa naturang komento sa pamamagitan ng tweet na "'Honestly lang', in what world is it okay to say this to anyone."




Sinabi ni Kakie na sanay na umano siya sa mga natatanggap niyang panglalait ng mga tao tungkol sa kanyang itsura ngunit paano na lamang umano ang epekto nito sa ibang tao na ganito rin ang sasabihin. Inamin din niyang hindi niya mapigilang mainis sa tuwing makakabasa siya ng ganitong klaseng komento.




"Sanay na po ako i can laugh these things off really easily, but there's something so upsetting about thinking there are little girls who've never been insecure of themselves and could read comments like this only to look in the mirror and see flaws they've never seen before," sabi niya.

"Nakakapagod na po. minsan pa nga nakakasira ng araw o buong lingo. hindi opinyon ang pagmumukha. mahal ko ang mga mata ko dahil namana ko mata ng tatay ko, na namana nya sa nanay nya, na namana ni lola sa lola kong haponesa. gwapa mga lola ko kaya alam ko gwapa din ako hehe," dagdag niya pa.




Matatandaan na isa sa mga paboritong batikusin ng mga netizen si Kakie dahil sa mga komento nito tungkol sa mga isyu ng bansa. Umabot na rin sa puntong maging ang kanyang ina ay nadamay na sa isyu ni Kakie.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments