TV Host Willie Revillame, Naglaan ng Php 5.2 Million Para sa Mga Naulilang Pamilya ng Mga Nasawï sa Nag-crash na C-130!



Nitong Hulyo 4 ay may isang nakakalungkot na balita ang nangyari sa aircraft C-130 matapos na mag-crash sa Patikul, Sulu. Umabot sa 52 katao ang nakumpirmang nasåwi sa bumaksak na C-130. 49 na sundalo nasawï kabilang na rito ang tatlong civilian. Labis naman ang lungkot at hinagpis ng mga naulilang pamilya ng mga nasawïng sundalo.




Naglaan naman ng P5.2 million ang TV Host na si Willie Revillame para sa mga naulilang pamilya ng mga sundalo at ipinaabot sa pamamagitan ng AFP spokesperson na si Marine Maj. Gen. Edgard Arevalo.

Makakatanggap umano ng P100,000 ang 52 na pamilya ng mga sundalong biktima ng nag-crash na aircraft sa Sulu. "Bigay ko po yan para sa ating mga kababayan. Una sa lahat para sa ating dakilang sundalo na nagbigay ng puso para sa ating bayan," ani ni Kuya Wil.





Ibinahagi din ni Maj. Gen. Edgard Arevalo ang mga benepisyong ipinagkakaloob sa lahat ng biktima bukod pa sa ibinigay ni Kuya Wil.

Kilala si Willie Revillame o 'Kuya Wil' bilang isang TV Host na dati ring aktor. Marami na ang natulungan ni Kuya Wil kaya naman talagang iniidolo siya ng maraming Pilipino.




siyang TV Host sa Tutok-to-Win sa GMA-7 bago ang 24-Oras. Ang tema ng kanyang programa ay tumulong sa mga kababayan natin na higit at lubos na nangangailangan ng tulong.

Panoorin ang video:




Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments