75-Anyos na Tatay, Tulak ang Kanyang Anak na Nakaupo sa Wheel Chair Upang Samahan Ito sa Paghahanap ng Trabaho!




Alang-alang sa ikakabuti ng kanyang anak ay gagawin ng isang ama ang lahat. Pinatunayan itong isang 75-anyos na ama na mayroong anak na may kapansånan. Mabilis na nag-viral sa social media ang larawan ng mag-ama na umantig sa maraming tao. Ayon sa mga ulat, ang anak ni Tatay ay naghahanap noon ng trabaho, ngunit dahil sa kapansånan, ay sinamahan siya ng kanyang ama.




Ang mga larawan ay ibinahagi ni Zaldy Ordiales Bueno sa social media. Si Bueno ay Head Teacher sa isang pampublikong paaralan na ina-applyan noon ni Edwin Garin. Si Edwin ay nakapagtapos sa kursong Education at naghahanap noon ng mapapasukan.

Nasaksihan mismo ni Bueno ang nakakaantig na pagmamahal ng isang ama sa kanyang anak. Hindi alintana ang pagôd at sa kabila ng edad ni Tatay, ay nasusuportahan pa niya ang kanyang anak sa pamamagitan ng pagsama nito sa pag-apply ng trabaho.




Kilala ang mga Pilipino sa pagiging maasikaso sa kani-kanilang pamilya. Kaya naman talagang nakakamangha ang makasaksi ng ganitong eksena.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments