Ang pag-aasawa ay hindi madali dahil marami ang sangkap na kakailanganin para maging maganda at maayos ang pagsasamahan ng dalawang tao. Kasama na rito ang pagbibigay suporta sa isa't-isa lalo na sa pag-abot ng pangarap, pagmamahalan, respeto at paniniwala sa Diyos. Isang mag-asawa naman ang nagpatunay na isa sa mga susi para umunlad ang kanilang pagsasama ay ang suporta sa isa't-isa.
Hinangaan ng marami ang isang istorya patungkol sa mag-asawang magkasabay na inaabot ang kanilang pangarap sa buhay.
Si Mylen Borbon ay matagumpay na nakatapos sa kursong Bachelor of Science in Information Technology sa Datamex College of St. Adeline sa Fairview, Quezon City. At hindi lamang siya basta nakapagtapos dahil siya ay gumraduate bilang isang Cum Laude dahil sa pagsisikap at dedikasyon sa pag-aaral.
Labis naman siyang nagpasalamat sa taong tumulong sa kanya para maabot ang pangarap na makapagtapos sa pag-aaral, at ito ay ang kanyang mister. Ang kanyang mister ay isang boksingero na kinilalang si Jonel Borbon.
Ayon sa kuwento ni Mylen, "'Nung sabi ko tapos ko nang pag-aralin ng high school 'yung kapatid ko, sabi ng asawa ko, “Bakit hindi mo i-try ulit mag-aral kasi gusto mo naman?" Tapos sabi ko, "Sige, kung kaya natin. I-try nalang natin… Hanggang sa siya po 'yung nagpilit talaga sa’kin na mag-enroll."
"Lalaban. Wala akong masyadong ensayo. Kinukuha ko nalang kasi… wala 'eh. Ganun talaga, maraming bayarin, 'eh," ani naman ni Jonel na ibinubuwis ang buhay sa premyong Php1,000 kada round para masuportahan ang pag-aaral ng kanyang misis.
"Naisip ko rin sa sarili ko, bilang fighter, pagdating ng araw baka hindi ako makapagtrabaho kasi nga hindi rin naman ako nag-aral, wala rin akong tinapos. So parang, 'yun na lang ‘yung pinagbabasehan ko. Iyong lakas ng katawan, lakas ng loob… Ako kasi, baka pagdating ng araw, ma-injured… wala na. Wala ka ng pag-asa, kaya sabi ko sa kanya, kahit isa sa'min may makapagtapos man lang ng pag-aaral," saad pa ulit ng boksingero.
"Huwag nilang tignan 'yung edad nila para sa pag-aaral kasi wala naman po talagang edad… kumbaga, wala namang expiration ‘yung pag-aaral, 'eh. Wala namang age limit po 'yun. Kaya i-pursue na lang po nila kasi mas iba po talaga ‘yung may pinag-aralan," ang mensahe pa ni Mylen.

Source: Noypi Ako
0 Comments