Isang inspirasyon sa marami ang balut vendor na matagumpay na nakatapos sa kanyang pag-aaral at nakapasas sa licensure examination nitong Agosto 2021. Sa pagtitïnda ng balut ay naisakatuparan niya ang kanyang pangarap na makatapos sa pag-aaral. Ipinagsasabay niya ang pagtatrabaho at pag-aaral para matustusan ang mga gastusin niya sa eskwela. Payo naman niya para sa mga mag-aaral na gustong makamit ang kanilang mga pangarap sa buhay lalo na sa mga working student, huwag sukuan ang mga ito.
Pasado sa August 2021 Sanitary License Examination ang dating magbabalut na si Benny Tomas mula Lallo, Cagayan. Aniya, ang tagumpay niyang ito ay iniaalay niya sa kaniyang mga magulang at mga kapatid. Pareho umanong magsasaka ang kanyang ama at ina ngunit natigil sa pagsasaka ang ina nang ma-str0ke ito noong 2020. Pang-lima si Tomas sa 9 na magkakapatid at siya pa lamang ang nakapagtapos ng pag-aaral.
Kuwento niya, para makatulong sa mga magulang noong siya ay nasa kolehiyo ay nagbebenta siya ng balut noon para matustusan ang kanyang pag-aaral.
"'Yong time management ko sa pagbebenta ng balut ay kapag sa tanghali po ay may break kami sa school ay pumupunta ako at bumibili ng balut na hindi pa luto tapos ilalagay ko sa boarding house ko. After ng klase, lilinisan ko 'yong balut at iluluto tapos magtitinda na ako ng alas-6 hanggang alas-8 (ng gabi)."

Source: Noypi Ako
0 Comments