Ikinuwento ng isang pari ang karansan ng isang batang babae na nagpadala daw ng isang simple lamang na liham ngunit hindi kapani pananiwala na mensahe ang nakasulat, para sa kanyang ama na nasa ospital dahil nag positibo sa Covid-19 at nanamamalagi sa charity ward ng Philippine General Hospital dito sa Maynila.
Sa mismong post ni Father Marlito Ocon ay ibinahagi nya na sa kanyang karaniwan pag ikot sa mga pasyente upang magbigay ng sakramento na pagpapahid ng langis , ay may pasyente daw na nakatawag sa kanya ng pansin na sinusubukan buksan ang isang pakete ng pagkain. Napaka payat daw nito at halos hindi na makahinga at makagalaw. Habang pilit daw na binubuksan ng pasyente ang pagkain ay may nalaglag na sulat.
Nang tingnan ng padre ang sulat ay punit na ito, at tsaka nya tinanong ang pasyente kung nabasa nya naba ito. Sabi ng Pasyente ay hindi dahil hirap na syang makakita at hindi nya rin mabasa. Kaya naman ay inalok ni padre na sya na lamang ang magbasa. " Pa, kamusta ka na dito, dasal tayo sa Panginoon. Tawag ka nila" , ng marinig ito ng pasyente ay bigla nalamang itong umiyak. Nakaramdam ng lungkot si father dahil sa may sakit na sila ay wala padin silang kasama.
Mensahe naman ni Father Marlito sa lahat ng mga naapektuhan ng Pandemya ay , "Kami ay walang magawa, maaari lamang tayong manalangin para sa kanila ... magpatuloy na umasa at magtiwala sa ating Panginoon na magtatapos ito sa lalong madaling panahon. Huwag mawalan ng pag-asa, manalangin, magdasal, make the most out of this horrible paghihirap. Humanap ng kahulugan, at hanapin ang Diyos kapag tayo ay nakahiwalay o nakahiwalay at kung ang ating mga mahal sa buhay ay wala sa paligid. Marahil ay iniimbitahan kaming tuklasin ang paanyaya ng Diyos para sa atin sa oras na ito. Sigurado akong may mabubuting bagay na malalabasan dito, ”
Source: Noypi Ako
0 Comments