Lalaking Nagtatrabaho Bilang Tapasero sa Tubuhan, Natupad ang Pangarap na Maging Isang Guro!




Ang pag-abot ng pangarap ay nagsisimula sa pagpupursige at pagsusumikap. Ito ang naging pundasyon ng isang lalaking nagtatrabaho bilang tapaseru sa tubuhan. Ito rin ang pangunahing hanapbuhay ng kanyang pamilya. Salat ang pamilyang nakagisnan ni Melvin Osabel Buracho kaya ito ang naging inspirasyon niya upang magpursigeng makapag-aral at makapagtapos bilang isang Guro.




Ngunit, sa kabilang banda, ay hindi ito tanggap ng kanyang ama. Hindi siya sinusuportahan nito sa kanyang pangarap. Hindi ito pinakinggan ni Melvin at pinilit pa ring mag-aral. Hindi naging maganda ang kanilang pagsasama magbuhat ng ipagpatuloy ni Melvin ang kanyang pag-aaral hanggang sa binawiån na ng buhay ang ama.

Gayunpaman, hinihiling pa rin ni Melvin na sana ay matanggap na ng kanyang ama ang naging desisyon niya dahil hindi lamang umano para sa kanya ang mga ginawa niya dahil para rin sa ikauunlad ng kanilang pamilya.





Nakapagtapos si Melvin bilang Bachelor of Elementary Education Major in General Education at naging Topnotcher sa Licensure Exam for Teachers nitong Disyembre.

"Patawad Tay kung naging mabigat ang loob niya sa pag-abot ng aking mga pangarap. Hindi na po ako galit sa inyo at nawa ay nauunawaan niya rin na ginagawa ko ito hindi lamang para sa sarili ko kundi para kay nanay at mga kapatid ko. Mahal kita Tay at sana masaya ka sa naging bunga ng aking pag-aaral," mensahe ni Melvin sa kanyang ama.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments