Ang pagiging isang guro ang isa sa pinakadakilang propesyon sa buong mundo. Sila ang humuhubog sa maraming mga kinabukasan ng mga batang kanilang tinuturuan.
Dahil sa kanila ay maraming mga bata ang nagkaroon ng magandang inspirasyon sa buhay at kalaunan ay nagtagumpay sa landas na ninais nilang tahakin. Ngunit sa likuran ng mga dakila nating guro ay mayroon din tayong masisipag at mga butihing principal na siyang namamahala sa isang paaralan at gayundin naman sa mga gurong nagtuturo dito.
Kamakailan lamang ay talagang pumukaw sa atensiyon ng publiko ang nakakabilib na principal na ito mula sa Aklan dahil sa pambihirang dedikasyon nito at pagmamahal sa kanilang paaralan. Ayon sa naging post ng kaniyang anak na si Jose Elvis Michelet ay nakalimutan nang kumain ng kaniyang ama dahil sa pagnanais nitong matapos ang kaniyang ginagawang hagdan sa Habana Integrated School.
Nagmistulang “construction worker” ang principal dahil sa matiyaga at masigasig nitong paggawa ng hagdan sa kanilang eskwelahan kahit pa nga inabot na siya ng gabi. Noong una ay ayaw pang pumayag ng principal na si Elmer Lumbo na ibahagi ng kaniyang anak ang kaniyang larawan ngunit ipinaliwanag ng kaniyang anak na nagbibigay ito ng inspirasyon at liwanag para sa maraming mga Pilipino na nahihirapan din ngayon sa kanilang buhay dahil na rin sa pandemya.
Sa Facebook post naman ni Sir Elmer ay nagpasalamat siya ng lubos dahil sa mga positibong reaksyon at komento na kaniyang natatanggap at sinabing batid niyang marami ding mga guro at mga principal ang gumagawa ng mga pambihirang bagay para lamang sa ikaaayos ng edukasyon ng maraming kabataan lalo na ngayong panahon. Ngunit labis niya pa ring ikinatutuwa ang pagmamahal at pagsuportang ipinaramdam sa kaniya ng publiko dahil sa viral na post.
“I pretty well know that there are plenty of colleagues in the Deped commumity accross the country who did more heroic acts worthy of emulation. Mine was just a “chunk of a fraction”. Pahayag ni Sir Elmer.
0 Comments