Matandang nakatulog habang nagtitinda ng chicharon sa daan, kinahabagan ng publiko!




Marami tayong natutunan na mga mahahalagang aral sa buhay mula nang dumating ang pandemyang COVID-19 sa bansa. Isa na rito ang sapat na oras na inilalan natin sa ating mga mahal sa buhay.

Kung dati rati ay abala tayo sa napakaraming mga bagay sa araw-araw, mas nagkaroon tayo ng reyalisasyon na mas masarap pala ang buhay kung mayroon din tayong inilalaan na oras para sa ating mahal sa buhay. Gayundin naman ay naramdaman natin ang kahalagahan ng ating mga trabaho gaano man ito kadali o kasimple lalo na kung ito ang dahilan kung kaya kumikita tayo ng perang pangsuporta natin sa ating pamilya.



Naging napakahirap ng sitwasyong ito nang mga nagdaang buwan dahil sa ilang mga negosyo at mga kompanya rin ang kinailangang magsara. Marami din ang nawalan ng trabaho dahil sa hindi na kinaya pa na kanilang mga kompanya ang pagkaluging dulot ng pandemya.



Kung kaya naman mula noon ay mas pinahalagahan na ng maraming mga Pilipino ang kanilang mga trabaho. Mas marami ang nagtiyaga, nagsumikap, at mas nagpursige pa sa kanilang mga trabaho.

Kamakailan nga lamang kahit ang isang matandang lalaki na ito ay nagtatrabaho pa rin kahit pa ala-una na ng madaling-araw. Nakuhanan siya ng larawan ng isang netizen na nagngangalang Elizabeth Tan. Talaga namang awang-awa siya sa matandang lalaki na nakatulog na sa matinding pagod makapagbanat lamang ng buto upang kumita ng maliit na pera para sa kaniyang pamilya.



“Grabe, ako, naawa noong nag-deliver ako around Pritil Tsoko pa-Trinidad, 1 AM. Nakita ko si tatay na natutulog sa gilid, pagod na pagod kakalako ng tinda n’ya para sa pamilya n’ya. Naawa ako ng sobra kasi baka mamaya pagtripan siya.” Pahayag ni Elizabeth.




Napakarami din namang mga netizens ang talagang naantig at nahabag sa kalagayang ito ng matandang nagtitinda ng chicharon. Dalangin nilang mayroong tumulong sa matanda at sa pamilya nito upang hindi na niya kailanganin pang magtinda sa lansangan para na rin sa kaniyang kaligtasan lalo na ngayong panahon ng pandemya.





Post a Comment

0 Comments