Power couple na sina Lucy Torres at Richard Gomez, ibinahagi sa publiko ang mga “stars” ng kanilang farm sa Ormoc City!





Si Lucy Torres Gomez o mas nakilala ng publiko bilang si Lucy Torres ay isang 45 taong gulang na aktres at pulitiko. Siya ngayon ang representative ng 4th District ng Leyte.

Taong 1998 nang ikasal siya sa kapwa niya artista at ngayon ay Ormoc City Mayor nang si Mayor Richard Gomez sa St. Peter and Paul Parish Church. Biniyayaan sila ng isang anak na pinangalanan nilang Juliana Marie Beatriz T. Gomez na isinilang noong taong 2001.



Mahigit pitong buwan na ring naninirahan ang mag-anak sa tahahan nila sa Ormoc. At madalas ring nagbahagi si Lucy ng kanilang mga larawan sa social media kung saan makikita ang kanilang “buhay probinsiya”.



Para kay Lucy ay tila ganap nang farm ang kanilang tahanan sa Ormoc kung saan maraming mga hayop ang malayang nakakagala at namumuhay rito. Mayroon kasing alagang mga gansa, manok, baboy, pagong at iba pang hayop ang mister niyang si Goma.



Kamakailan lamang ay ibinahagi niya ang larawan ng manok nilang si Heather na napisa na ang pito sa siyam na mga itlog n ito. Nagkaroon din sila ng bisitang bayawak na kalaunan ay pinangalanan nilang Britney na habol habol ng kanilang asong si Alexander.


Ang pangalan naman ng kanilang baboy ay Hamlet. Ang pamilya Gomez ay nakatira sa isang prestihiyosong sabdibisyon sa Ormoc, ang Carlota Hills.




Ipinanganak at lumaki man sa siyudad si Goma ay unti-unti rin itong nasanay sa buhay proninsiya. Siya na mismo ang nagtatanim at nag-aalaga ng kaniyang mga hayop sa kanilang tahanan na tila ba naging munting farm na din.

“Richard has really become probinsiyano. He plants our own vegetables. He has chickens. Parang every time I go there, he introduces me to a new animal. May gansa siya. May aso, gansa, manok, turtles. Then naglilimlim iyong manok niya, gagawan niya ng bahay para hindi siya maistorbo.” Pahayag ni Lucy.


Masaya, panatag at kuntento sa buhay nila ngayon ang pamilya Gomez dahil sa magkakasama silang mag-anak at nakakapamuhay sila ng payapa kasama ang kanilang mga alagang hayop, napapaligiran ng mga puno at halaman.





Post a Comment

0 Comments