Marami na nga talaga ang mga naging plantito at plantita nitong nagdaang mga buwan dahil na rin marahil sa kinailangan ng marami sa atin ang pagkakaabalahan lalo na sa gitna ng pandemya. At tunay ngang nakabawas sa alalahanin at problema ng ilan ang pag-aalaga nila ng mga magagandang halaman na ito.
Isa sa pinakasikat na personalidad, si Jinkee Pacquiao ay certified plantita na din talaga. Kitang kita naman ang napakaganda niyang koleksiyon ng mga halaman sa loob at labas ng kanilang tahanan at iba pang mga mansyon.
Isa rin ang pamilya Pacquiao sa pinakahinahangaang pamilya sa bansa dahil sa kabila ng tagumpay at kayamanang mayroon sila sa ngayon ay nanatili pa ring nakatapak sa lupa ang kanilang mga paa. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang latest post ni Jinkee patungkol sa kaniyang mamahaling halaman na matatagpuan sa loob ng mansyon nila sa General Santos City. Ito ay isang “fiddle leaf fig”.
“Oh my fiddle leaf fig! Learn character from trees, values from roots, and change from leaves,” ayon sa naging caption ni Jinkee sa kaniyang mga larawan sa Facebook at Instagram.
Umani naman ito ng maraming mga komento mula sa kaniyang mga tagasuporta at tagahanga. Narito ang ilan sa kanila:
“Real trees are rooted on Earth… trees on vases withered away as soon as you do not give them your attention… lasting values are deeply rooted and nourished by Mother Earth,” komento ng isang netizen.
“Totoo ‘yan… hindi ako inggitera, pero naiinggit ako sa mga taong pinagpala. Katulad nila, may rason ang Diyos kung bakit parang pili lang ang mga nabibigyan ng ganiyang mga pagpapala, malinis kasi ang puso nilang mag-asawa at matulungin kaya umaapaw ang grasya.” Pahayag naman ng isa pang netizen.
“What I see from Mrs. Jinkee Pacquiao is that she can publish books with her own quotes plus her pictures like this one,” turan naman ng isa pa.
0 Comments