Ama, Nagtitïyaga sa Sirång Artificial Leg Para Makapagtrabaho at Kumita ng Pera Para sa Pamilya!




Inihahalintulad ang ama sa haligi ng bahay dahil para maging maging matibay ang isang bahay ay kinakailangan ng haligi. Katulad ng ama, ay sila ang nagiging sandalan ng pamilya. Alang-alang sa kapakanan ng pamilya ay gagawin ng isang ama ang lahat ng kaniyang makakaya. Kahit na mahiråp ay titïisin nito para lamang mabigay ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya lalo na ng kanyang mga anak.




Isang ama na nagmula sa Sultan Kudarat ang bumubuhay sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng pag-uuling at pagpuputol ng mga puno kahit na ang iisa lamang ang kanyang binti at tanging sira-sirång artificial leg ang nakasuporta sa kanya. Tinalian lamang ng mga goma ang kanyang artificial leg, ito ay para makapagtrabaho pa rin at kumita ng pera para sa pangtustos ng mga gastusin sa bahay.

"Grabe yung hiråp na iisa lang ang paa. Pero kinakaya ko para sa pamilya ko. Pero kahit anong trabaho, basta kakayanin ng paa ko, gagawin ko para mabuhay lang mga anak ko."





"Yung artificial leg ko nabasåg na siya katagalan. Yung mga butas, nilalagyan ko lang ng epoxy. Tapos yung gilid, nila-lock ko lang gamit yung goma na galing sa gulong ng truck. Sirå na talaga."




"Yung pakiramdam sa paa ko, parang kinakagat na. Nagsusugåt na rin paa ko. Nagkakapaltos na rin siya minsan, kapag nagtatabas ako, gumagapang na lang ako sa gitna ng maisan. Sobrang hiråp. Pero kung hindi ko titïisin, wala akong ipapakain sa mga anak ko."




Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments