Bangka na gawa mula sa mga plastic na bote, mabisang sandata lalo na sa panahon ng matinding bagyo at baha!





Ilang araw pa lamang ang nakalilipas mula nang makaranas ang ilang mga siyudad at probinsiya sa ating bansa ng malakas na bagyo. Talaga namang hindi inaasahan ng maraming mga pamilyang Pilipino ang mapaminsalang epekto ng kalamidad na ito dahil noon pa man ay nasanay na tayo sa pagkakaroon ng tag-ulan.



Tag-araw at tag-ulan lamang ang panahon na mayroon tayo sa bansa kumpara sa ibang mga bansa na mayroong tagsibol, taglagas, taglamig at tag-araw. Ibang-iba na nga ang nararanasan nating panahon sa ngayon kumpara sa mga nagdaang taon dahil na rin sa naging masamang epekto ng kawalan natin ng disiplina at pagmamahal sa ating kalikasan.


Marami na sa atin ngayon ang nakakaranas ng matinding epekto ng “climate change” at “global warming”. Matindi na rin ang pagbaha ngayon sa maraming mga lugar hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.



Wala na kasi tayong mga matatayog na puno at malalagong mga halaman upang kahit paano ay makatulong sa unti-unting pagkasira ni Inang Kalikasan. Dahil nga sa hindi na rin tayo sigurado sa mga posibleng mangyari sa mga susunod na panahon ay dapat nang maghanda ang bawat isa.



Dahil sa naranasan nating bagyong Ulysses nito lamang ika-12 araw ng Nobyembre, maraming mga pamilya ang nawalan ng tirahan at mga taong binawian ng buhay. Marahil kung mayroon tayong sapat na kaalaman at naging paghahanda ay mas marami sanang mga buhay na naisalba pa.




Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang post ng Facebook page na “SAGE Industries” dahil sa mga larawan ng bangkang gawa mismo sa maraming mga plastic na bote. Marami tayong mga ganitong klase ng bote o basyo sa ating mga tahanan kung kaya naman tiyak na makakatulong ito lalo na sa mga lugar kung saan madalas bumaha ng halos higit sa taas ng isang tao.

Sa halip na itapon ang mga plastic na bote ay mas mabuting ipunin na lamang ito at gawing mga bangka na gawa sa mga ganitong klase ng materyales.





Post a Comment

0 Comments