Sinong mag-aakala na ang dating konduktor dito sa Pilipinas ay magiging isang owner pala ng “luxury rental cars” sa Amerika? Higit pa riyan ay mga sikat at bigating Hollywood celebrities at personalities pa ang kaniyang mga nagiging customer tulad na lamang ni Simon Cowell na kilala sa pagiging isang mahusay na host at hurado.
Ganun din naman ang Captain America na si Chris Evans. Ibinahagi ni Felix ang naging pagbabago sa kaniyang buhay dahil noon ay lumaki siya sa isang mahirap na pamilya.
Wala silang maayos na lababo at komportable mga sofa hindi katulad ng kaniyang mga kamag-aral noon na mayroong magandang mga bahay. Ngunit sa kabila ng kahirapang ito ay talaga namang nagpursige pa rin siya sa buhay.
Nagsumikap siya upang makamit ang kaniyang mga pangarap. Hindi niya alintana ang maraming mga pagsubok at mga hadlang sa buhay.
“Nu’ng bata ako, akala ko lahat ng tao ginagawa ‘yung ginagawa namin. ‘Yung nanay ko nagluluto sa kahoy, naghuhugas ng plato sa balde. Pero nu’ng napunta ako sa bahay ng kaklase ko nu’ng high school, nakita ko na meron silang couch. Maganda ‘yung lababo nila. Hiyang-hiya ako sa katayuan ng buhay namin noon. Doon ko na-realize na dapat akong magsumikap,” pahayag ni Felix.
Nang siya ay magkaroon ng pagkakataong maghanap-buhay ay nakapasok siya bilang isang konduktor ng bus kung saan siya kumikita noon ng halagang Php10 hanggang Php15 kada araw. Ang kaniyang kaibigan ang talagang nagtulak sa kaniyang huwag mawalan ng pag-asa sa buhay kung kaya naman nagkaroon siya ng lakas ng loob na gawin ang kaniyang gusto sa buhay.
Naghanap nga siya ng paraan upang makasampa siya ng barko at doon makapagtrababaho. Hanggang sa dumating na nga ang pinahihintay niyang oportunidad sa Amerika.
Hindi naging madali sa una ang kaniyang buhay sa dayuhang bansa ngunit nagsumikap pa rin siya. Sa maliit na capital ay nakapagsimula siya ng isang “rental car business”, napalago niya ito at naging daan pa upang makakilala siya ng maraming Hollywood celebrities na madalas ay mga customer niya din.
0 Comments