Nitong mga nagdaang araw ay talaga namang naging napakahirap ng sitwasyon para sa mga pamilyang Pilipino. Hindi lamang kasi pandemya ang ating kinakalaban ngayon kundi maging pagputok ng bulkan, pagguho ng lupa at mapaminsalang mga bagyo.
Maraming mga tahanan, mga gusali at maging mga paaralan ang labis na naapektuhan. Ngunit nakakalungkot lamang talaga na mayroon pa rin palang mga taong tila walang pakialam at walang konsiderasyon para sa kanilang kapwa.
Tulad na lamang halimbawa ng isang guro na ito na tila ba “sarcastic” o mapanuya ang naging sagot sa isa sa kaniyang mga estudyante na ang nais lamang naman ay kamustahin siya. Ang mag-aaral na ito ay anak ng netizen na si Michelle Barbaran.
Tinanong kasi ng kaniyang anak ang guro nito kung ayos lamang ba siya matapos ang naranasan nilang baha sa kanilang bayan. Hindi naman inaasahan ng kaniyang anak ang magiging sagot ng guro nito sa kaniya.
Narito ang naging pahayag ng guro: “Ok lang ako. Ano inuna nyo bang sinave any module? Para sa bayan para sa kinabukasan?”
Nalulungkot man ay naging tapat ang estudyante at sinabing nabasa at nasira nga ng baha ang kaniyang mga modyul. Sagot naman ng kaniyang guro ay “So, gusto mo icongrats kita? Congrats!”
Nasaktan man ang mag-aaral sa mga salitang ito ng kaniyang nirerespetong guro ay sinabi na lamang nito na “Sir, sinabi ko lang po kasi nagtanong ka po.” Talaga namang maraming mga netizens ang nagalit at hindi nagustuhan ang naging pahayag ng gurong ito patungkol sa sinapit ng kaniyang estudyante at pamilya nito.
Hindi naman nais ng mag-aaral na magkaroon ng matinding baha sa kanilang lugar dahilan upang makaranas sila ng ganitong klase ng sitwasyon kung kaya naman sana ay mas naging maunawain man lamang ang kaniyang guro at hindi na nagdulot pa ng sama ng loob sa kawawang estudyante at sa kaniyang pamilya.
0 Comments