Isang “Grade 9” na estudyante ang umani ng maraming mga positibong komento mula sa publiko dahil sa pambihirang kasipagan nito sa pag-aaral kahit pa nga siya ay kasalukuyang nagtitinda ng mga prutas!





Isang Grade 9 student ang namataang nagtitinda ng ilang mga prutas sa isang kariton habang nag-aaral gamit ang kaniyang laptop at ilang mga aralin. Umani siya ng napakaraming mga papuri mula sa publiko dahil sa kaniyang pagpapahalaga sa kaniyang pag-aaral.

Photo credit: Benj Gonzales / Facebook



Kahit mayroong pandemya, kahit hirap sa buhay ay talagang pinatunayan ng estudyanteng ito. Ayon sa netizen na si Benj Gonzales, naghahanap siya ng prutas sa Marulas Public Market sa Valenzuela City upang ipasalubong sana sa kaniyang asawa na nagdadalang-tao.

Laking gulat niya dahil sa naging napakamahal na pala ng mga prutas ngayon sa pamilihan. Kung kaya naman naisipan niyang sa “Save More” na lamang dapat siya bumili.



Ngunit mayroon siyang nakitang mga naglalako sa kalsada kung kaya nais niya munang subukan bumili sa mga ito upang mas makatipid siya. Masaya naman siyang nakabili ng ilang mga prutas na mas mura sa isa sa mga naglalako ngunit nagtataka siya kung bakit gumagamit ng isang laptop ang binatang pinagbilhan niya ng mga prutas.

Ang binatang ito ay nakilala bilang si Mike na napag-alaman ni Benj na nag-aaral pala ng kaniyang online class habang nagtitinda ng mga prutas. Walang “Wi-Fi” sa lugar kung saan siya nagtitinda kung kaya naman “hotspot” mula sa kaniyang cellphone ang kaniyang ginagamit.



Hindi man ito ganoon kainam para sa signal na kailangan niya para sa kaniyang online class ay pwede na rin. Talaga namang nakakabilib ang kaniyang pagpapagal sa pag-aaral.

Photo credit: Benj Gonzales / Facebook




“Na curious ako kung bakit sya may laptop. Sabi nya nagoonline class daw sya. Nakita ko din yung mga module nyang madami at makapal na stack ng papel. Napa wow talaga ako sa kanya at data lang sa cellphone ang gamit naka Hotspot lang laptop nya,” Pagbabahagi ni Benj sa kaniyang post.

Labis ang paghanga ni Benj kay Mike dahil sa pagpupursige niya sa pag-aaral. Sa ngayon ay Grade 9 na siya sa Valenzuela National High School. Ayon pa kay Benj, maraming mga kabataan ngayon ang komportable sa kanilang mga bahay, malakas ang Wi-Fi at naka-air conditioning unit pa ngunit madalas ay puro reklamo pa ang maririnig sa kanilang mga bibig. Samantalang si Mike ay hindi lamang masipag mag-aral kundi magalang pa.

Maraming mga netizens pa ang nagkomento at nagpahayag ng kanilang paghanga sa estudyanteng si Mike.





Post a Comment

0 Comments