Misis ng isang “construction worker” hindi umatras sa “Ipon Challenge” na siyang ginamit nila pampatayo ng kanilang bahay!





Sabi nila, magiging napakapalad mo daw sa buhay kapag nakahanap ka na ng isang trabaho na hilig mo talaga. Hindi ka na daw magtatrabaho pa buong buhay mo dahil sa hilig at interes mo na ito.

Ngunit kadalasan, marami sa ating mga Pilipino ang hindi nakakaranas nito. Madalas kasi ay nauuwi tayo sa mga trabahong hindi natin gusto o di kaya naman ay sa mga trabahong gusto ng ating mga magulang para sa atin.



Mayroon din namang iba na wala nang ibang pagpipilian pa kundi ang trabahong mayroon sila, marahil ay dahil na rin sa kahirapan ng buhay. Dahil na rin sa hirap ng buhay ay mas marami sa atin ang talagang nagsusumikap na mas makapag-ipon pa ng pera upang makabili ng sariling bahay at lupa, makapagpundar ng sasakyan, o di kaya naman ay makapagsimula ng sarili nilang mga negosyo.



Tiyak na marami din ang magsasabing hindi biro ang makapag-ipon ngayon ng malaking halaga ng salapi. Hindi biro ang mag-ipon lalo na kung hindi rin naman kalakihan ang iyong kinikita sa araw-araw.



Halimbawa na lamang ang istorya ng netizen na si Kember Flores Casabuena at ng kaniyang mister na isang “construction worker”. Hindi biro ang naging pagsisimula nila bilang isang mag-asawa ngunit palagi silang nagtutulungan para sa kanilang pamilya.




Ayon kay Kember, napanuod niya sa isang sikat na TV show ang “Ipon Challenge” na ito kung kaya naman agad niya itong sinubukan. “Php50 peso bill invisible challenge” ang kaniyang ginawa. Para sa kaniya ay “invisible” na ang halagang ito kung kaya naman deretso agad ito sa kaniyang alkansiya.

Pagbabahagi pa ni Kember at ng mister niyang si Alphie Castante Olvis, kahon ng sapatos lamang ang pinag-iipunan nila ng kanilang mga pera ngunit kalaunan ay kailangan na nilang ilipat ito sa isang lumang balde ng pintura. Noong una ay talagang hindi pa sang-ayon si Alphie sa kaniyang misis ngunit agad naman din niya itong sinuportahan kalaunan.


At makalipas ng ang isang taong pag-iimpok ay nakapagtabi sila ng sapat na pera upang makapagpatayo ng isang maliit na bahay para sa kanilang pamilya. Nakakabilib talaga!





Post a Comment

0 Comments