Magsasaka sa India hindi inaasahang makakapulot siya ng diyamante na talaga namang makapagpapabago pala ng kaniyang buhay!





Sabi nila mayroon daw kayamanan sa lupa. Talaga namang marami tayong makukuha rito tulad na lamang ng mga gulay, prutas, halaman at mga mineral na kinakailangan natin upang mabuhay.

Ngunit lingid sa ating kaalaman ay mayroon pala talagang literal na kayamanan na maaaring matagpuan dito. Tulad na lamang ng isang magsasakang nakapulot ng isang diamante sa lupa na inuupahan niya sa Panna, India.



Ayon sa ilang mga ulat, ang diyamante o “diamond” pala na ito ay 14.98-carat na nagkakahalaga ng 6 na milyong Rupees. Ang halagang ito ay katumbas na ng $82,000 at Php3.9 milyong piso!




Ang mapalad na magsasaka ay walang iba kundi si Lakhan Yadav na nakakita ng isang maliit na diyamante na inakala niya noon na isang maliit na bato lamang. Nilinis niya ito at nagulat siya nang mag-iba ang kaniyang paningin sa inakala niyang kapirasong bato lamang.






Agad niya itong ipinasuri sa mga eksperto ata nakumpirma niyang tunay nga itong diyamante. Talaga namang labis ang kaniyang kagalakan dahil sa wakas ay magkakaroon na siya ng perang pangsuporta sa pag-aaral ng kaniyang mga anak.




Hindi kasi siya nakatapos ng pag-aaral kung kaya naman nais niyang makapagtapos ang lahat ng kaniyang mga anak. Ito ang pangunahin niyang paglalaanan ng kaniyang pera.
“I am not an educated person and I’ll put the money in a fixed deposit to ensure my four kids get good education,” pahayag ni Yadav nang siya ay kapanayamin.

Maliban sa pagtatabi ng pera para sa kaniyang mga anak ay naglaan din naman siya ng isang motorsiklo para sa kaniyang sarili. Ito ay nagkakahalaga ng 100,000 Rupees o katumbas ng US$1,300, o Php65,200. Umani ito ng maraming mga komento mula sa publiko.

Narito ang ilan sa kanilang naging reaksyon:
“He is a very lucky guy, indeed! Congratulations. Spend the money wisely!” komento ng isa.

“Well… ganiyan talaga. Iyan ang literal na nakatisod ng suwerte sa lupa, pero sa pagkakataong ito, nahukay niya. Good for him!” Pahayag naman ng isa pa.


“Please spend your money wisely, para hindi matulad doon sa mga napapabalitang lottery winners na nauwi sa hirap dahil hindi magaling sa money-spending at pag-iipon. Mabilis maubos ang pera, mahirap kitain.” Komento naman sa isa pang netizen.

Source: Inquirer





Post a Comment

0 Comments