Ang “Pinoy Big Brother” o mas nakilala ng marami bilang “PBB” ay ang Philippine adaptation ng sikat na “reality game show franchise” na “Big Brother”. Nilagyan ito ng salitang “Pinoy” upang mas maging kaakit-akit sa maraming mga Pilipinong panuorin at sumabaybayan ito.



Talaga namang naging bahay rin ito sa ilan sa pinakasikat na artista ngayon sa entertainment at show business industry. Marami nang mga Pilipino ang nainis, nagalit, kinilig at muling nagmahal dahil sa programang ito.

Ngunit aakalain ba ninyong mayroon palang isang barangay hall sa Iligan City na literal na ginawa itong inspirasyon para sa pagpapatayo nila ng kanilang bagong barangay hall. Sa halip nga na “Bahay ni Kuya” ang itawag dito ay pinangalan nila itong “Bahay ni Kap”.



Umaasa ang Iligan City Representative na si Frederick Siao na magiging malaki ang benepisyo ng bagong patayong barangay hall na ito para sa mga konsehal ng barangay lalo na ng mga residente nila dito. Ibinahagi din niyang umabot sa limang milyong piso ang nagastos nila sa pagpapagawa ng napakaganda nilang barangay hall.

Hindi rin naman naawat ang mga netizens na magbigay ng kanilang mga opinyon patungkol sa barangay hall na ito. Narito ang ilan sa naging komento nila:




“The structure of the building which is PBB-inspired will remind us that we, members of the council together with our constituents, should work hand-in-hand and perform our tasks to have a better and well developed Barangay. Congratulations Barangay San Miguel! Thank you Kuya Frederick Siao our working congressman,” sabi ng isang netizen.




“Lagyan din sana ng maraming camera sa loob para makita ni ‘Kuya Kap’ ang mga kawatan at gumagawa nang masama. Good job! Ito ang Bahay ni Kap!” Pahayag naman ng isa pa.

“Hango sa Big Brother house, pati mga opisyales ay boses na rin lang daw maririnig. Show up lang kapag malapit na final night, hahaha. Sana po talaga it will serve its purpose, na maging takbuhan ng mga nangangailangan sa naturang barangay,” turan naman ng isa.