Tayong mga Pilipino, napakalaking bagay na sa atin ang magkaroon ng sarili nating bahay at lupa. Tila ba isang napakatamis na tagumpay kung sa murang edad ay talagang nakapagpundar ka na nito mula sa pinaghirapan at pinagpaguran mong pera.



Ngunit sa kasamaang palad, hindi naman lahat tayo ay mayroong kakayanan na makapag-ipon ng malaking pera upang ipambili ng bahay at lupa, sasakyan o di kaya naman ay pangsimula ng isang maliit na negosyo. Madalas kasi ay sapat lamang ang kinikita natin para sa pang-araw-araw nating gastusin o di kaya naman ay para sa matrikula ng ating mga anak o maintenance ng ating mga magulang.

Sabi nga ng ilang mga matatanda, kung empleyado ka lang, walang mangyayari sa buhay mo at tiyak na magiging mabagal ang progreso ng iyong pamumuhay kung kaya naman dapat talaga ay matuto din tayong magnegosyo o di kaya naman ay mag-invest. Maraming mga sumasang-ayon rito ngunit mayroon din namang hindi naniniwala dito.




Ngunit paano nga ba natin masasabing nakamit na natin ang tagumpay na ating inaasam? Kapag ba mayroon na tayong bahay at lupa? Mga negosyo o mga sasakyan?

Marahil ay hindi. Pero wala din namang masamang mangarap na makapagpundar ng mga bagay na ito para sa iyong pamilya at maging para sa iyong sarili. Kamakailan lamang ay talagang nasorpresa ang publiko da hil sa mansyon na ito na ibinebenta sa halagang Php190,000,000!



Ito ay matatagpuan sa Valenzuela City at talaga namang napakaganda, napakalawak at napakaaliwalas ng mansyon. Ang naturang mansyon ay tinaguriang “Breathtaking Whimsical Mansion” na aakalain mong sa mga “fairytale” mo lamang makikita. Mayroong lawak na 2,000 square meter (floor area) at 1, 303 square meter (lot area) ang naturang mansyon.




Makikita sa ilang mga larawan sa naturang post ang “aerial view photo” ng naturang mansyon. Mayroon ding ilang larawan na nagpapakita ng napakaganda at napakaeleganteng interyor ng yayamaning mansyon na ito.

Mayroon pa ngang isang netizen na pabirong nagtanong kung maaari niya itong bayaran ng 190,000,000 na beses. Dagdag pa niya ay legit buyer diumano siya.