Naging matinding hamon sa maraming mga Pilipino ang nagdaang mga araw dahil sa hindi inaasahang panganib na dulot ng mga bagyong nagdaan. At ngayon nga ay naranasan natin ang hagupit ng bagyong Ulysses.
Napakaraming mga pamilyang Pilipino ang naapektuhan at talaga namang nawalan ng kanilang mga tahanan dahil sa matinding pagbaha na ito. Sa kasamaang palad ay marami din ang nasawi, nasugatan at hanggang sa ngayon ay hirap pa ding makaahon sa pangyayari na ito.
Buti na lamang at mayroon pa ding ilang mga organisasyon at mga personalidad na nagnanais magpaabot ng tulong sa mga biktima ng bagyong Ulysses. Isa na nga sa mga ito ang sikat na host at komedyante na si Willie Revillame.
Hindi na bago sa publiko ang pagtulong ni Willie sa maraming mga Pilipino dahil noon pa man ay talaga namang tumutulong na ito sa maraming mga mahihirap na Pilipino sa pamamagitan ng kaniyang programa sa telebisyon. Hindi rin siya nagdalawang-isip na mag-abot ng tulong sa mga Pilipino na nakaranas ng sakuna at kalamidad tulad na lamang ng pagputok ng Bulkang Taal, pandemyang COVID-19 at ang naging pananalanta ng bagyong Ulysses.
Nito lamang ika-13 araw ng Nobyembre ay ibinahagi niya ang kaniyang naging pamamaraan upang makatulong sa mga taong apektado ng mapanirang bagyo. Ayon sa sikat na host ay agad niyang ipinagbili ang isa sa kaniyang mga sasakyan at nabili nga ito sa halagang pitong milyong piso.
“Aanhin ko ho ‘yung kotse kung marami akong kababayan na naghihirap? Kahit magbenta pa [ako] ng kahit anong pag-aari, pag-aari mo na hindi mo na kailangan. I think this is the right time.” Pahayag ni Willie.
Maliban pa sa halagang pitong milyong piso na napagbilhan ng kaniyang sasakyan ay magbibigay pa siya ng limang milyong piso para sa apektadong residente ng Marikina at Montalban. Talaga namang naantig ang puso ng maraming mga Pilipino dahil sa ginawang pagtulong na ito ni Willie Revillame.
0 Comments